Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Isra Ayahs #98 Translated in Filipino

وَمَا مَنَعَ النَّاسَ أَنْ يُؤْمِنُوا إِذْ جَاءَهُمُ الْهُدَىٰ إِلَّا أَنْ قَالُوا أَبَعَثَ اللَّهُ بَشَرًا رَسُولًا
At walang anumang makakahadlang sa mga tao sa pananalig kung ang Patnubay ay dumatal sa kanila, maliban na sila ay magsabi: “Si Allah ba ay nagsugo ng isang tao bilang (Kanyang) Tagapagbalita?”
قُلْ لَوْ كَانَ فِي الْأَرْضِ مَلَائِكَةٌ يَمْشُونَ مُطْمَئِنِّينَ لَنَزَّلْنَا عَلَيْهِمْ مِنَ السَّمَاءِ مَلَكًا رَسُولًا
Ipagbadya: “Kung mayroon sa kalupaan na mga anghel na lumilibot sa kapayapaan at kapanatagan, katiyakang Kami ay magpapanaog para sa kanila mula sa langit ng isang anghel bilang isang Tagapagbalita.”
قُلْ كَفَىٰ بِاللَّهِ شَهِيدًا بَيْنِي وَبَيْنَكُمْ ۚ إِنَّهُ كَانَ بِعِبَادِهِ خَبِيرًا بَصِيرًا
Ipahayag: “Sapat na si Allah bilang isang saksi sa pagitan ko at ninyo. Katotohanang Siya ang Ganap na Maalam, ang Lubos na Nakakamasid sa Kanyang mga alipin.”
وَمَنْ يَهْدِ اللَّهُ فَهُوَ الْمُهْتَدِ ۖ وَمَنْ يُضْلِلْ فَلَنْ تَجِدَ لَهُمْ أَوْلِيَاءَ مِنْ دُونِهِ ۖ وَنَحْشُرُهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ عَلَىٰ وُجُوهِهِمْ عُمْيًا وَبُكْمًا وَصُمًّا ۖ مَأْوَاهُمْ جَهَنَّمُ ۖ كُلَّمَا خَبَتْ زِدْنَاهُمْ سَعِيرًا
At sinumang patnubayan ni Allah, siya ay tumpak na napapatnubayan, datapuwa’t kung sinuman ang Kanyang iligaw, - para sa kanila ay hindi kayo makakatagpo ng Auliya (kawaksi at tagapagtanggol, atbp.) maliban sa Kanya, at Aming titipunin sila nang sama-sama sa Araw ng Muling Pagkabuhay sa kanilang mukha; - mga bulag, pipi at bingi, ang kanilang pananahanan ay Impiyerno, kailanman na ito ay humuhupa (sa ningas), Aming daragdagan para sa kanila ang paglalagablab ng Apoy
ذَٰلِكَ جَزَاؤُهُمْ بِأَنَّهُمْ كَفَرُوا بِآيَاتِنَا وَقَالُوا أَإِذَا كُنَّا عِظَامًا وَرُفَاتًا أَإِنَّا لَمَبْعُوثُونَ خَلْقًا جَدِيدًا
Ito ang kanilang kabayaran sapagkat itinatwa nila ang Aming Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) at nagsabi: “Kung kami ba ay mga buto na at kalansay, kami ba ay tunay na ibabangong muli bilang isang bagong nilikha?”

Choose other languages: