Surah Al-Isra Ayahs #101 Translated in Filipino
وَمَنْ يَهْدِ اللَّهُ فَهُوَ الْمُهْتَدِ ۖ وَمَنْ يُضْلِلْ فَلَنْ تَجِدَ لَهُمْ أَوْلِيَاءَ مِنْ دُونِهِ ۖ وَنَحْشُرُهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ عَلَىٰ وُجُوهِهِمْ عُمْيًا وَبُكْمًا وَصُمًّا ۖ مَأْوَاهُمْ جَهَنَّمُ ۖ كُلَّمَا خَبَتْ زِدْنَاهُمْ سَعِيرًا
At sinumang patnubayan ni Allah, siya ay tumpak na napapatnubayan, datapuwa’t kung sinuman ang Kanyang iligaw, - para sa kanila ay hindi kayo makakatagpo ng Auliya (kawaksi at tagapagtanggol, atbp.) maliban sa Kanya, at Aming titipunin sila nang sama-sama sa Araw ng Muling Pagkabuhay sa kanilang mukha; - mga bulag, pipi at bingi, ang kanilang pananahanan ay Impiyerno, kailanman na ito ay humuhupa (sa ningas), Aming daragdagan para sa kanila ang paglalagablab ng Apoy
ذَٰلِكَ جَزَاؤُهُمْ بِأَنَّهُمْ كَفَرُوا بِآيَاتِنَا وَقَالُوا أَإِذَا كُنَّا عِظَامًا وَرُفَاتًا أَإِنَّا لَمَبْعُوثُونَ خَلْقًا جَدِيدًا
Ito ang kanilang kabayaran sapagkat itinatwa nila ang Aming Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) at nagsabi: “Kung kami ba ay mga buto na at kalansay, kami ba ay tunay na ibabangong muli bilang isang bagong nilikha?”
أَوَلَمْ يَرَوْا أَنَّ اللَّهَ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ قَادِرٌ عَلَىٰ أَنْ يَخْلُقَ مِثْلَهُمْ وَجَعَلَ لَهُمْ أَجَلًا لَا رَيْبَ فِيهِ فَأَبَى الظَّالِمُونَ إِلَّا كُفُورًا
Hindi baga nila namamasdan na si Allah na lumikha ng kalangitan at kalupaan ay Makapangyayari na lumikha ng katulad nila. At Siya ay nagtakda sa kanila ng natataningang araw, na rito ay walang alinlangan. Datapuwa’t ang Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian, buktot, tampalasan, atbp.) ay tumatanggi (sa Katotohanan, - ang Mensahe ng Kaisahan ni Allah at ng Islam, at wala silang tinanggap) maliban sa kawalan ng pananalig
قُلْ لَوْ أَنْتُمْ تَمْلِكُونَ خَزَائِنَ رَحْمَةِ رَبِّي إِذًا لَأَمْسَكْتُمْ خَشْيَةَ الْإِنْفَاقِ ۚ وَكَانَ الْإِنْسَانُ قَتُورًا
Ipagbadya (sa mga hindi sumasampalataya): “Kung kayo ay nag-aangkin ng bangan ng Habag ng aking Panginoon (kayamanan, salapi, panustos na ikabubuhay, atbp.), kung gayon, katiyakang kayo ay magpipigil (sa paggugol) dahil sa inyong pangangamba (na baka maubusan), ang mga tao ay lagi nang kuripot!”
وَلَقَدْ آتَيْنَا مُوسَىٰ تِسْعَ آيَاتٍ بَيِّنَاتٍ ۖ فَاسْأَلْ بَنِي إِسْرَائِيلَ إِذْ جَاءَهُمْ فَقَالَ لَهُ فِرْعَوْنُ إِنِّي لَأَظُنُّكَ يَا مُوسَىٰ مَسْحُورًا
At katotohanang iginawad Namin kay Moises ang siyam na maliliwanag na tanda. Inyong tanungin ang Angkan ng Israel, nang siya ay pumaroon sa kanila, at si Paraon ay nangusap sa kanya: “o Moises, inaakala ko na ikaw ay isang inaalihan (ng demonyo)!”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
