Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Isra Ayahs #104 Translated in Filipino

قُلْ لَوْ أَنْتُمْ تَمْلِكُونَ خَزَائِنَ رَحْمَةِ رَبِّي إِذًا لَأَمْسَكْتُمْ خَشْيَةَ الْإِنْفَاقِ ۚ وَكَانَ الْإِنْسَانُ قَتُورًا
Ipagbadya (sa mga hindi sumasampalataya): “Kung kayo ay nag-aangkin ng bangan ng Habag ng aking Panginoon (kayamanan, salapi, panustos na ikabubuhay, atbp.), kung gayon, katiyakang kayo ay magpipigil (sa paggugol) dahil sa inyong pangangamba (na baka maubusan), ang mga tao ay lagi nang kuripot!”
وَلَقَدْ آتَيْنَا مُوسَىٰ تِسْعَ آيَاتٍ بَيِّنَاتٍ ۖ فَاسْأَلْ بَنِي إِسْرَائِيلَ إِذْ جَاءَهُمْ فَقَالَ لَهُ فِرْعَوْنُ إِنِّي لَأَظُنُّكَ يَا مُوسَىٰ مَسْحُورًا
At katotohanang iginawad Namin kay Moises ang siyam na maliliwanag na tanda. Inyong tanungin ang Angkan ng Israel, nang siya ay pumaroon sa kanila, at si Paraon ay nangusap sa kanya: “o Moises, inaakala ko na ikaw ay isang inaalihan (ng demonyo)!”
قَالَ لَقَدْ عَلِمْتَ مَا أَنْزَلَ هَٰؤُلَاءِ إِلَّا رَبُّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ بَصَائِرَ وَإِنِّي لَأَظُنُّكَ يَا فِرْعَوْنُ مَثْبُورًا
(Si Moises) ay nagturing: “Katotohanang batid mo na ang mga tandang ito ay ipinanaog ng wala ng iba maliban sa Panginoon ng kalangitanatkalupaanbilangmaliwanag(namga Katibayan, alalaong baga, tanda ng pagiging Isa ni Allah at Kanyang Kapangyarihan, atbp.), at aking inaakala na katiyakan, ikaw o Paraon, ay nakatakda sa pagkawasak (na malayo sa lahat ng mabuti)!”
فَأَرَادَ أَنْ يَسْتَفِزَّهُمْ مِنَ الْأَرْضِ فَأَغْرَقْنَاهُ وَمَنْ مَعَهُ جَمِيعًا
Kaya’t pinagpasyahan niya (Paraon) na itaboy sila sa labas ng kalupaan (ng Ehipto). Datapuwa’t Aming nilunod siya na kasama ang kanyang mga kapanalig
وَقُلْنَا مِنْ بَعْدِهِ لِبَنِي إِسْرَائِيلَ اسْكُنُوا الْأَرْضَ فَإِذَا جَاءَ وَعْدُ الْآخِرَةِ جِئْنَا بِكُمْ لَفِيفًا
At Aming itinagubilin sa Angkan ng Israel pagkaraan niya: “Magsipanahan kayo sa kalupaan, at kung malapit na ang pangwakas at panghuling pangako (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay o ang pagbaba ni Kristo [si Hesus, na anak ni Maria sa lupa]). Aming dadalhin kayo sa magkakahalong lipon (tinipon mula sa iba’t ibang bansa o pamayanan)

Choose other languages: