Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #101 Translated in Filipino

قُلْ مَنْ كَانَ عَدُوًّا لِجِبْرِيلَ فَإِنَّهُ نَزَّلَهُ عَلَىٰ قَلْبِكَ بِإِذْنِ اللَّهِ مُصَدِّقًا لِمَا بَيْنَ يَدَيْهِ وَهُدًى وَبُشْرَىٰ لِلْمُؤْمِنِينَ
Ipahayag (o Muhammad): “Sinuman ang maging kaaway ni Gabriel (hayaan siyang mamatay sa kanyang pagkapoot), sapagkat katotohanang ipinarating niya (ang kapahayagan, ang Qur’an)) sainyongpusosakapahintulutan ni Allah; isang pagpapatunay sa mga dumatal (na patnubay) noon pang una (ang Torah [mga Batas] at Ebanghelyo) at magandang balita sa mga sumasampalataya
مَنْ كَانَ عَدُوًّا لِلَّهِ وَمَلَائِكَتِهِ وَرُسُلِهِ وَجِبْرِيلَ وَمِيكَالَ فَإِنَّ اللَّهَ عَدُوٌّ لِلْكَافِرِينَ
Sinuman ang maging kaaway ni Allah, ng Kanyang mga anghel, ng Kanyang mga Tagapagbalita, ni Gabriel at Mikael, kung gayon, katotohanang si Allah ay isang kaaway ng mga walang pananampalataya
وَلَقَدْ أَنْزَلْنَا إِلَيْكَ آيَاتٍ بَيِّنَاتٍ ۖ وَمَا يَكْفُرُ بِهَا إِلَّا الْفَاسِقُونَ
At katotohanang ipinanaog Namin sa iyo ang lantad na Ayat (ang mga talata ng Qur’an na masusing nagpapahiwatig hinggil sa balita ng mga Hudyo at ang kanilang lihim na layunin), at walang nagtatakwil dito maliban sa mga mapaghimagsik
أَوَكُلَّمَا عَاهَدُوا عَهْدًا نَبَذَهُ فَرِيقٌ مِنْهُمْ ۚ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ
Hindiba(gayonnga), nasabawatpanahonnagumawasila ng kasunduan, ang ilang pangkat sa kanila ay nagwawalang bahala? Hindi! Sa katotohanan, ang karamihan sa kanila ay walang pananampalataya
وَلَمَّا جَاءَهُمْ رَسُولٌ مِنْ عِنْدِ اللَّهِ مُصَدِّقٌ لِمَا مَعَهُمْ نَبَذَ فَرِيقٌ مِنَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ كِتَابَ اللَّهِ وَرَاءَ ظُهُورِهِمْ كَأَنَّهُمْ لَا يَعْلَمُونَ
At nang dumatal sa kanila ang isang Tagapagbalita (Muhammad) mula kay Allah na nagpapatotoo kung ano ang tinanggap nila, ang isang pangkat sa lipon nila (ang Angkan ng Kasulatan) ay naghagis ng Aklat ni Allah sa kanilang likuran na wari bang (ito ay isang bagay) na hindi nila nababatid

Choose other languages: