Surah Al-Baqara Ayahs #99 Translated in Filipino
وَلَنْ يَتَمَنَّوْهُ أَبَدًا بِمَا قَدَّمَتْ أَيْدِيهِمْ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ بِالظَّالِمِينَ
Datapuwa’t sila ay hindi maghahangad ng kamatayan, dahilan (sa mga kasalanan) kung saan sila itinaboy noon ng kanilang mga kamay. At si Allah ang Ganap na Nakakabatid sa Zalimun (mga tampalasan, buhong, buktot, mapaggawa ng kamalian)
وَلَتَجِدَنَّهُمْ أَحْرَصَ النَّاسِ عَلَىٰ حَيَاةٍ وَمِنَ الَّذِينَ أَشْرَكُوا ۚ يَوَدُّ أَحَدُهُمْ لَوْ يُعَمَّرُ أَلْفَ سَنَةٍ وَمَا هُوَ بِمُزَحْزِحِهِ مِنَ الْعَذَابِ أَنْ يُعَمَّرَ ۗ وَاللَّهُ بَصِيرٌ بِمَا يَعْمَلُونَ
At katotohanang inyong matatagpuan sila; sa lahat ng mga tao, na pinakasakim sa buhay, na (higit pang sakim) sa mga hindi naniniwala sa Muling Pagkabuhay (ang mga pagano, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.). Ang bawat isa sa kanila ay naghahangad na sila ay mabigyan ng buhay na isang libong taon. Datapuwa’t ang pagbibigay sa kanila ng gayong buhay ay hindi makakapagligtas sa kanila sa (nararapat) na kaparusahan, sapagkat si Allah ang Lubos na Nakakamasid ng lahat nilang ginagawa
قُلْ مَنْ كَانَ عَدُوًّا لِجِبْرِيلَ فَإِنَّهُ نَزَّلَهُ عَلَىٰ قَلْبِكَ بِإِذْنِ اللَّهِ مُصَدِّقًا لِمَا بَيْنَ يَدَيْهِ وَهُدًى وَبُشْرَىٰ لِلْمُؤْمِنِينَ
Ipahayag (o Muhammad): “Sinuman ang maging kaaway ni Gabriel (hayaan siyang mamatay sa kanyang pagkapoot), sapagkat katotohanang ipinarating niya (ang kapahayagan, ang Qur’an)) sainyongpusosakapahintulutan ni Allah; isang pagpapatunay sa mga dumatal (na patnubay) noon pang una (ang Torah [mga Batas] at Ebanghelyo) at magandang balita sa mga sumasampalataya
مَنْ كَانَ عَدُوًّا لِلَّهِ وَمَلَائِكَتِهِ وَرُسُلِهِ وَجِبْرِيلَ وَمِيكَالَ فَإِنَّ اللَّهَ عَدُوٌّ لِلْكَافِرِينَ
Sinuman ang maging kaaway ni Allah, ng Kanyang mga anghel, ng Kanyang mga Tagapagbalita, ni Gabriel at Mikael, kung gayon, katotohanang si Allah ay isang kaaway ng mga walang pananampalataya
وَلَقَدْ أَنْزَلْنَا إِلَيْكَ آيَاتٍ بَيِّنَاتٍ ۖ وَمَا يَكْفُرُ بِهَا إِلَّا الْفَاسِقُونَ
At katotohanang ipinanaog Namin sa iyo ang lantad na Ayat (ang mga talata ng Qur’an na masusing nagpapahiwatig hinggil sa balita ng mga Hudyo at ang kanilang lihim na layunin), at walang nagtatakwil dito maliban sa mga mapaghimagsik
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
