Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #83 Translated in Filipino

فَوَيْلٌ لِلَّذِينَ يَكْتُبُونَ الْكِتَابَ بِأَيْدِيهِمْ ثُمَّ يَقُولُونَ هَٰذَا مِنْ عِنْدِ اللَّهِ لِيَشْتَرُوا بِهِ ثَمَنًا قَلِيلًا ۖ فَوَيْلٌ لَهُمْ مِمَّا كَتَبَتْ أَيْدِيهِمْ وَوَيْلٌ لَهُمْ مِمَّا يَكْسِبُونَ
Kung gayon, kasawian (sa kaparusahan) sa mga sumusulat ng Aklat sa kanilang sariling mga kamay at nagsasabi: “Ito ay mula kay Allah”, upang bumili sa pamamagitan nito ng isang maliit na halaga! Kasawian (sa kaparusahan) sa kanila, sa anumang sinulat ng kanilang mga kamay at kasawian (sa kaparusahan) sa kanila sa anumang kanilang kinita
وَقَالُوا لَنْ تَمَسَّنَا النَّارُ إِلَّا أَيَّامًا مَعْدُودَةً ۚ قُلْ أَتَّخَذْتُمْ عِنْدَ اللَّهِ عَهْدًا فَلَنْ يُخْلِفَ اللَّهُ عَهْدَهُ ۖ أَمْ تَقُولُونَ عَلَى اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ
At sila (ang mga Hudyo) ay nagsasabi: “Ang Apoy ay hindi sasayad sa atin maliban lamang sa ilang natatakdaang araw.” Ipagbadya (o Muhammad): “Kayo baga ay kumuha ng Kasunduan mula kay Allah; sapagkat kailanman, Siya ay hindi sumisira sa Kanyang pangako? O kayo baga ay nagsasabi ng tungkol kay Allah ng wala kayong kaalaman?”
بَلَىٰ مَنْ كَسَبَ سَيِّئَةً وَأَحَاطَتْ بِهِ خَطِيئَتُهُ فَأُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ
Tunay nga! Sinumang kumita ng kasamaan, at ang kanyang kasalanan ay pumalibot sa kanya; sila ang magsisipanirahan sa Apoy (Impiyerno); maninirahan sila rito magpakailanman
وَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ الْجَنَّةِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ
Datapuwa’t ang mga may pananampalataya at nagsisigawa ng katuwiran, sila ang mga magsisipanirahan sa Paraiso; mananahan sila rito magpakailanman
وَإِذْ أَخَذْنَا مِيثَاقَ بَنِي إِسْرَائِيلَ لَا تَعْبُدُونَ إِلَّا اللَّهَ وَبِالْوَالِدَيْنِ إِحْسَانًا وَذِي الْقُرْبَىٰ وَالْيَتَامَىٰ وَالْمَسَاكِينِ وَقُولُوا لِلنَّاسِ حُسْنًا وَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ وَآتُوا الزَّكَاةَ ثُمَّ تَوَلَّيْتُمْ إِلَّا قَلِيلًا مِنْكُمْ وَأَنْتُمْ مُعْرِضُونَ
Atalalahaninnang Kamiaykumuhangisang Kasunduan mula sa Angkan ng Israel na nagsasabi: “Huwag kayong sumamba maliban lamang kay Allah at maging masunurin at mabuti sa inyong mga magulang, at sa mga kamag-anak, at sa mga ulila at sa mga mahihirap na nagpapalimos; kayo ay mangusap nang makatuwiran sa mga tao; maging matimtiman sa pananalangin; at magbigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa).” Ngunit kayo ay tumalikod, maliban lamang sa ilan sa inyo, at kayo ay nanunumbalik (sa dating masamang gawi)

Choose other languages: