Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #272 Translated in Filipino

الشَّيْطَانُ يَعِدُكُمُ الْفَقْرَ وَيَأْمُرُكُمْ بِالْفَحْشَاءِ ۖ وَاللَّهُ يَعِدُكُمْ مَغْفِرَةً مِنْهُ وَفَضْلًا ۗ وَاللَّهُ وَاسِعٌ عَلِيمٌ
Si Satanas ay nananakot sa inyo ng kahirapan at nag-uudyok sa inyo na gumawa ng kasalanan; datapuwa’t si Allah ay nangangako sa inyo ng pagpapatawad mula sa Kanya at ng kasaganaan; at si Allah ay may Sapat na Panustos sa pangangailangan ng Kanyang mga nilikha, ang may Ganap na Kaalaman
يُؤْتِي الْحِكْمَةَ مَنْ يَشَاءُ ۚ وَمَنْ يُؤْتَ الْحِكْمَةَ فَقَدْ أُوتِيَ خَيْرًا كَثِيرًا ۗ وَمَا يَذَّكَّرُ إِلَّا أُولُو الْأَلْبَابِ
Siya ang nagkakaloob ng karunungan sa sinumang Kanyang maibigan; at siya na pinagkalooban (Niya) ng karunungan ay tunay namang nakatanggap ng kapakinabangan na nag-uumapaw; datapuwa’t walang sinuman ang tatanggap ng paala-ala maliban sa mga tao na may pang-unawa
وَمَا أَنْفَقْتُمْ مِنْ نَفَقَةٍ أَوْ نَذَرْتُمْ مِنْ نَذْرٍ فَإِنَّ اللَّهَ يَعْلَمُهُ ۗ وَمَا لِلظَّالِمِينَ مِنْ أَنْصَارٍ
At anuman ang inyong gugulin sa kawanggawa o anumang pangako ang inyong ginawa, katiyakang si Allah ay nakakabatid nito. At sa Zalimun (mga tampalasan, mapaggawangkamalian,atbp.),silaaywalangmakakatulong
إِنْ تُبْدُوا الصَّدَقَاتِ فَنِعِمَّا هِيَ ۖ وَإِنْ تُخْفُوهَا وَتُؤْتُوهَا الْفُقَرَاءَ فَهُوَ خَيْرٌ لَكُمْ ۚ وَيُكَفِّرُ عَنْكُمْ مِنْ سَيِّئَاتِكُمْ ۗ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ
Kung kayo ay magpamalas ng inyong kawanggawa, ito ay kasiya-siya, datapuwa’t kung ito ay inyong ilingid at ilimos ito sa mga mahihirap, ito ay higit na mainam sa inyo. Si Allah ay magpapatawad ng ilan sa inyong mga kasalanan. At si Allah ang Ganap na Nakakatalos ng anumang inyong ginagawa
لَيْسَ عَلَيْكَ هُدَاهُمْ وَلَٰكِنَّ اللَّهَ يَهْدِي مَنْ يَشَاءُ ۗ وَمَا تُنْفِقُوا مِنْ خَيْرٍ فَلِأَنْفُسِكُمْ ۚ وَمَا تُنْفِقُونَ إِلَّا ابْتِغَاءَ وَجْهِ اللَّهِ ۚ وَمَا تُنْفِقُوا مِنْ خَيْرٍ يُوَفَّ إِلَيْكُمْ وَأَنْتُمْ لَا تُظْلَمُونَ
wala sa iyo (o Muhammad) ang kanilang patnubay, datapuwa’t si Allah ang namamatnubay sa sinumang Kanyang mapusuan. At anumang mabuting bagay ang inyong ginugol, ang kapakinabangan ay sa inyong kaluluwa, na kayo ay hindi gumugugol maliban na kayo ay naghahanap ng Mukha ni Allah (alalaong baga, ang pakikipagtipan sa Kanya). Anumang mabuting bagay na inyong ibinigay ay muling ibabalik sa inyo, at kayo ay hindi gagawaran ng kawalang katarungan

Choose other languages: