Surah Al-Baqara Ayahs #275 Translated in Filipino
إِنْ تُبْدُوا الصَّدَقَاتِ فَنِعِمَّا هِيَ ۖ وَإِنْ تُخْفُوهَا وَتُؤْتُوهَا الْفُقَرَاءَ فَهُوَ خَيْرٌ لَكُمْ ۚ وَيُكَفِّرُ عَنْكُمْ مِنْ سَيِّئَاتِكُمْ ۗ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ
Kung kayo ay magpamalas ng inyong kawanggawa, ito ay kasiya-siya, datapuwa’t kung ito ay inyong ilingid at ilimos ito sa mga mahihirap, ito ay higit na mainam sa inyo. Si Allah ay magpapatawad ng ilan sa inyong mga kasalanan. At si Allah ang Ganap na Nakakatalos ng anumang inyong ginagawa
لَيْسَ عَلَيْكَ هُدَاهُمْ وَلَٰكِنَّ اللَّهَ يَهْدِي مَنْ يَشَاءُ ۗ وَمَا تُنْفِقُوا مِنْ خَيْرٍ فَلِأَنْفُسِكُمْ ۚ وَمَا تُنْفِقُونَ إِلَّا ابْتِغَاءَ وَجْهِ اللَّهِ ۚ وَمَا تُنْفِقُوا مِنْ خَيْرٍ يُوَفَّ إِلَيْكُمْ وَأَنْتُمْ لَا تُظْلَمُونَ
wala sa iyo (o Muhammad) ang kanilang patnubay, datapuwa’t si Allah ang namamatnubay sa sinumang Kanyang mapusuan. At anumang mabuting bagay ang inyong ginugol, ang kapakinabangan ay sa inyong kaluluwa, na kayo ay hindi gumugugol maliban na kayo ay naghahanap ng Mukha ni Allah (alalaong baga, ang pakikipagtipan sa Kanya). Anumang mabuting bagay na inyong ibinigay ay muling ibabalik sa inyo, at kayo ay hindi gagawaran ng kawalang katarungan
لِلْفُقَرَاءِ الَّذِينَ أُحْصِرُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ لَا يَسْتَطِيعُونَ ضَرْبًا فِي الْأَرْضِ يَحْسَبُهُمُ الْجَاهِلُ أَغْنِيَاءَ مِنَ التَّعَفُّفِ تَعْرِفُهُمْ بِسِيمَاهُمْ لَا يَسْأَلُونَ النَّاسَ إِلْحَافًا ۗ وَمَا تُنْفِقُوا مِنْ خَيْرٍ فَإِنَّ اللَّهَ بِهِ عَلِيمٌ
(Ang kawanggawa) ay para sa mahihirap, sila na dahil sa Kapakanan ni Allah ay napipigilan (na maglakbay), at hindi makapaglibot sa kalupaan upang makahanap (ng kalakal at hanapbuhay). Ang isang hindi nakakakilala sa kanila ay nag-iisip na sila ay hindi nangangailangan dahilan sa kanilang kakimian. Sila ay mapagkikilala ninyo sa kanilang (hindi nagmamaliw) na tatak; sila ay hindi tandisang namamalimos sa lahat (o sa anumang paraan). At anumang mabuting bagay na inyong ipagkaloob, isang katiyakan na si Allah ang Lubos na Nakakaalam
الَّذِينَ يُنْفِقُونَ أَمْوَالَهُمْ بِاللَّيْلِ وَالنَّهَارِ سِرًّا وَعَلَانِيَةً فَلَهُمْ أَجْرُهُمْ عِنْدَ رَبِّهِمْ وَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ
Ang mga gumugugol (sa kawanggawa) ng kanilang kayamanan sa gabi at araw, lingid man o hayag ay mayroong pabuya mula sa kanilang Panginoon. Sa kanila ay walang pangangamba, gayundin sila ay hindi malulumbay
الَّذِينَ يَأْكُلُونَ الرِّبَا لَا يَقُومُونَ إِلَّا كَمَا يَقُومُ الَّذِي يَتَخَبَّطُهُ الشَّيْطَانُ مِنَ الْمَسِّ ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ قَالُوا إِنَّمَا الْبَيْعُ مِثْلُ الرِّبَا ۗ وَأَحَلَّ اللَّهُ الْبَيْعَ وَحَرَّمَ الرِّبَا ۚ فَمَنْ جَاءَهُ مَوْعِظَةٌ مِنْ رَبِّهِ فَانْتَهَىٰ فَلَهُ مَا سَلَفَ وَأَمْرُهُ إِلَى اللَّهِ ۖ وَمَنْ عَادَ فَأُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ
Ang mga nagpapasasa sa riba (pagpapatubo sa salapi o interes), ay hindi titindig (sa Araw ng Muling Pagkabuhay) maliban sa pagtindig ng isang tao na hinataw ni Satanas, na nagdulot sa kanya ng pagkabaliw. Ito’y sa dahilang sila ay nagsasabi: “Ang pangangalakal ay tulad din ng riba (pagpapatong ng tubo sa salapi o interes)”, datapuwa’t si Allah ay nagpahintulot ng pangangalakal at nagbawal ng Riba (pagpapatubo sa salapi o interes). Kaya’t sinuman ang tumanggap ng paala-ala mula sa kanyang Panginoon at tumigil sa pagpapasasa sa riba (patubo) ay hindi parurusahan sa anumang nakaraan (dahil sa kawalan ng kaalaman); ang kanyang usapin ay na kay Allah (upang hatulan); datapuwa’t kung sinuman ang magbalik (sa hanapbuhay) na may riba (muling magpatubo o kumita ng tubo sa salapi), sila ang magsisipanahan sa Apoy, mananatili sila rito magpakailanman
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
