Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #278 Translated in Filipino

الَّذِينَ يُنْفِقُونَ أَمْوَالَهُمْ بِاللَّيْلِ وَالنَّهَارِ سِرًّا وَعَلَانِيَةً فَلَهُمْ أَجْرُهُمْ عِنْدَ رَبِّهِمْ وَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ
Ang mga gumugugol (sa kawanggawa) ng kanilang kayamanan sa gabi at araw, lingid man o hayag ay mayroong pabuya mula sa kanilang Panginoon. Sa kanila ay walang pangangamba, gayundin sila ay hindi malulumbay
الَّذِينَ يَأْكُلُونَ الرِّبَا لَا يَقُومُونَ إِلَّا كَمَا يَقُومُ الَّذِي يَتَخَبَّطُهُ الشَّيْطَانُ مِنَ الْمَسِّ ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ قَالُوا إِنَّمَا الْبَيْعُ مِثْلُ الرِّبَا ۗ وَأَحَلَّ اللَّهُ الْبَيْعَ وَحَرَّمَ الرِّبَا ۚ فَمَنْ جَاءَهُ مَوْعِظَةٌ مِنْ رَبِّهِ فَانْتَهَىٰ فَلَهُ مَا سَلَفَ وَأَمْرُهُ إِلَى اللَّهِ ۖ وَمَنْ عَادَ فَأُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ
Ang mga nagpapasasa sa riba (pagpapatubo sa salapi o interes), ay hindi titindig (sa Araw ng Muling Pagkabuhay) maliban sa pagtindig ng isang tao na hinataw ni Satanas, na nagdulot sa kanya ng pagkabaliw. Ito’y sa dahilang sila ay nagsasabi: “Ang pangangalakal ay tulad din ng riba (pagpapatong ng tubo sa salapi o interes)”, datapuwa’t si Allah ay nagpahintulot ng pangangalakal at nagbawal ng Riba (pagpapatubo sa salapi o interes). Kaya’t sinuman ang tumanggap ng paala-ala mula sa kanyang Panginoon at tumigil sa pagpapasasa sa riba (patubo) ay hindi parurusahan sa anumang nakaraan (dahil sa kawalan ng kaalaman); ang kanyang usapin ay na kay Allah (upang hatulan); datapuwa’t kung sinuman ang magbalik (sa hanapbuhay) na may riba (muling magpatubo o kumita ng tubo sa salapi), sila ang magsisipanahan sa Apoy, mananatili sila rito magpakailanman
يَمْحَقُ اللَّهُ الرِّبَا وَيُرْبِي الصَّدَقَاتِ ۗ وَاللَّهُ لَا يُحِبُّ كُلَّ كَفَّارٍ أَثِيمٍ
Si Allah ay hindi magkakaloob ng anumang biyaya sa riba (pagpapatubo ng salapi), datapuwa’t magbibigay (Siya) ng higit pang (biyaya) sa mga gawa ng pagkakawanggawa sapagkat Siya ay hindi nagmamahal sa mga walang damdamin ng utang na loob ng pasasalamat at makasalanan
إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ وَأَقَامُوا الصَّلَاةَ وَآتَوُا الزَّكَاةَ لَهُمْ أَجْرُهُمْ عِنْدَ رَبِّهِمْ وَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ
Ang mga sumasampalataya at gumagawa ng kabutihan, at nagsasagawa ng palagiang pagdarasal nang mahinusay (Iqamat-us-Salah) at nagkakaloob ng Zakah (katungkulang kawanggawa), ay mayroong biyaya mula sa kanilang Panginoon; sa kanila ay walang pangangamba, gayundin sila ay walang kalumbayan
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اتَّقُوا اللَّهَ وَذَرُوا مَا بَقِيَ مِنَ الرِّبَا إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ
o kayong nagsisisampalataya! Pangambahan ninyo si Allah, at inyong ipagparaya (huwag nang ipabayad) ang anumang natira sa tubo ng inyong pautang (magmula ngayon), kung kayo ay tunay na sumasampalataya

Choose other languages: