Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayah #259 Translated in Filipino

أَوْ كَالَّذِي مَرَّ عَلَىٰ قَرْيَةٍ وَهِيَ خَاوِيَةٌ عَلَىٰ عُرُوشِهَا قَالَ أَنَّىٰ يُحْيِي هَٰذِهِ اللَّهُ بَعْدَ مَوْتِهَا ۖ فَأَمَاتَهُ اللَّهُ مِائَةَ عَامٍ ثُمَّ بَعَثَهُ ۖ قَالَ كَمْ لَبِثْتَ ۖ قَالَ لَبِثْتُ يَوْمًا أَوْ بَعْضَ يَوْمٍ ۖ قَالَ بَلْ لَبِثْتَ مِائَةَ عَامٍ فَانْظُرْ إِلَىٰ طَعَامِكَ وَشَرَابِكَ لَمْ يَتَسَنَّهْ ۖ وَانْظُرْ إِلَىٰ حِمَارِكَ وَلِنَجْعَلَكَ آيَةً لِلنَّاسِ ۖ وَانْظُرْ إِلَى الْعِظَامِ كَيْفَ نُنْشِزُهَا ثُمَّ نَكْسُوهَا لَحْمًا ۚ فَلَمَّا تَبَيَّنَ لَهُ قَالَ أَعْلَمُ أَنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
o inyo bang itinuring (o naisip bilang paghahambing) siya, na napadako sa isang bayan na lubhang nasalanta. Siya ay nagsabi: “oh! Papaano kayang maibabalik ito ni Allah sa pagkabuhay matapos na ito ay mamatay?” Kaya’t pinapangyari ni Allah na mamatay siya ng isang daang taon, at siya ay (muling) ibinangon. Siya (Allah) ay nagwika: “Gaano katagal na nanatili ka (na walang buhay)?” Siya (ang tao) ay nagsabi: “(Marahil) ako ay nanatiling (walang buhay) ng isang araw o bahagi ng isang araw.” Siya (Allah) ay nagwika: “Hindi, ikaw ay nanatili (na walang buhay) sa loob ng isang daang taon, (datapuwa’t) tingnan mo ang iyong pagkain at inumin, ito ay hindi kakikitaan ng pagbabago; at tingnan mo ang iyong asno (patay na kalansay na lamang)! At sa ganitong (paraan), ikaw ay ginawa Namin na isang Tanda sa mga tao. Pagmasdan mo ang mga buto (ng asno), kung paano Namin binuo ito at binalutan ng laman.” At nang ito ay maliwanag na nalantad sa kanya, siya ay nagsabi: “Batid ko na (ngayon) na si Allah ay makakagawa ng lahat ng bagay.”

Choose other languages: