Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #254 Translated in Filipino

وَلَمَّا بَرَزُوا لِجَالُوتَ وَجُنُودِهِ قَالُوا رَبَّنَا أَفْرِغْ عَلَيْنَا صَبْرًا وَثَبِّتْ أَقْدَامَنَا وَانْصُرْنَا عَلَى الْقَوْمِ الْكَافِرِينَ
At nang sila ay pumalaot upang sagupain si Goliath at ang kanyang mga kabig, sila ay nanalangin: “Aming Panginoon! Ibuhos Ninyo sa amin ang pagtitiyaga at gawin Ninyong matatag ang aming mga hakbang. Kami ay gawin Ninyong matagumpay laban sa mga walang pananampalataya.”
فَهَزَمُوهُمْ بِإِذْنِ اللَّهِ وَقَتَلَ دَاوُودُ جَالُوتَ وَآتَاهُ اللَّهُ الْمُلْكَ وَالْحِكْمَةَ وَعَلَّمَهُ مِمَّا يَشَاءُ ۗ وَلَوْلَا دَفْعُ اللَّهِ النَّاسَ بَعْضَهُمْ بِبَعْضٍ لَفَسَدَتِ الْأَرْضُ وَلَٰكِنَّ اللَّهَ ذُو فَضْلٍ عَلَى الْعَالَمِينَ
Sa kapahintulutan ni Allah ay kanilang nailigaw sila at napatay ni david si Goliath, at si Allah ay naggawad sa kanya (david) ng kaharian (pagkaraan ng kamatayan ni Saul at Samuel) at karunungan, at nagturo sa kanya ng Kanyang ninanais. At kung hindi sinubukan ni Allah ang isang lipon ng mga tao sa pamamagitan ng iba, ang kalupaan ay katiyakang mapupuspos ng kabuktutan. Datapuwa’t si Allah ay Puspos ng Biyaya sa lahat ng Kanyang mga nilalang
تِلْكَ آيَاتُ اللَّهِ نَتْلُوهَا عَلَيْكَ بِالْحَقِّ ۚ وَإِنَّكَ لَمِنَ الْمُرْسَلِينَ
Ito ang mga Tanda (aral, kapahayagan, katibayan, atbp.) ni Allah, ito ay Aming dinalit sa iyo (o Muhammad) sa Katotohanan, at katiyakang ikaw ay isa sa mga Tagapagbalita (ni Allah)
تِلْكَ الرُّسُلُ فَضَّلْنَا بَعْضَهُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ ۘ مِنْهُمْ مَنْ كَلَّمَ اللَّهُ ۖ وَرَفَعَ بَعْضَهُمْ دَرَجَاتٍ ۚ وَآتَيْنَا عِيسَى ابْنَ مَرْيَمَ الْبَيِّنَاتِ وَأَيَّدْنَاهُ بِرُوحِ الْقُدُسِ ۗ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ مَا اقْتَتَلَ الَّذِينَ مِنْ بَعْدِهِمْ مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَتْهُمُ الْبَيِّنَاتُ وَلَٰكِنِ اخْتَلَفُوا فَمِنْهُمْ مَنْ آمَنَ وَمِنْهُمْ مَنْ كَفَرَ ۚ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ مَا اقْتَتَلُوا وَلَٰكِنَّ اللَّهَ يَفْعَلُ مَا يُرِيدُ
Silang mga Tagapagbalita! Sila na Aming biniyayaan ng mga pabuya, ang ilan ay higit sa iba (sa kapanagutan at tungkulin), sa ilan sa kanila, si Allah ay nakipag-usap; ang ilan ay Kanyang itinaas sa antas (ng karangalan); at kay Hesus na anak ni Maria, Kami ay nagbigay ng maliwanag na Tanda at Katibayan at siya ay pinatatag Namin ng Banal na Espiritu (ruh-ul-Qudus o Gabriel). At kung ninais lamang ni Allah, ang mga sumunod na lahi ay hindi makikipaglaban laban sa isa’t isa pagkaraang ang maliwanag na Kapahayagan ni Allah ay dumatal sa kanila, datapuwa’t sila ay nagkaiba-iba, ang ilan sa kanila ay sumampalataya at ang iba ay hindi sumampalataya. At kung ninais ni Allah, sila ay hindi sana makikipaglaban sa isa’t isa, datapuwa’t si Allah ay gumagawa ng Kanyang maibigan
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا أَنْفِقُوا مِمَّا رَزَقْنَاكُمْ مِنْ قَبْلِ أَنْ يَأْتِيَ يَوْمٌ لَا بَيْعٌ فِيهِ وَلَا خُلَّةٌ وَلَا شَفَاعَةٌ ۗ وَالْكَافِرُونَ هُمُ الظَّالِمُونَ
o kayong nagsisisampalataya! Gumugol kayo sa mga bagay na ipinagkaloob Namin sa inyo bago sumapit ang Araw na rito ay walang pakiusapan at pakikipagkaibigan at pamamagitan. At ang nagtatakwil ng pananampalataya, sila ang Zalimun (mga tampalasan, buktot, buhong, pagano, atbp)

Choose other languages: