Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #256 Translated in Filipino

تِلْكَ آيَاتُ اللَّهِ نَتْلُوهَا عَلَيْكَ بِالْحَقِّ ۚ وَإِنَّكَ لَمِنَ الْمُرْسَلِينَ
Ito ang mga Tanda (aral, kapahayagan, katibayan, atbp.) ni Allah, ito ay Aming dinalit sa iyo (o Muhammad) sa Katotohanan, at katiyakang ikaw ay isa sa mga Tagapagbalita (ni Allah)
تِلْكَ الرُّسُلُ فَضَّلْنَا بَعْضَهُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ ۘ مِنْهُمْ مَنْ كَلَّمَ اللَّهُ ۖ وَرَفَعَ بَعْضَهُمْ دَرَجَاتٍ ۚ وَآتَيْنَا عِيسَى ابْنَ مَرْيَمَ الْبَيِّنَاتِ وَأَيَّدْنَاهُ بِرُوحِ الْقُدُسِ ۗ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ مَا اقْتَتَلَ الَّذِينَ مِنْ بَعْدِهِمْ مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَتْهُمُ الْبَيِّنَاتُ وَلَٰكِنِ اخْتَلَفُوا فَمِنْهُمْ مَنْ آمَنَ وَمِنْهُمْ مَنْ كَفَرَ ۚ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ مَا اقْتَتَلُوا وَلَٰكِنَّ اللَّهَ يَفْعَلُ مَا يُرِيدُ
Silang mga Tagapagbalita! Sila na Aming biniyayaan ng mga pabuya, ang ilan ay higit sa iba (sa kapanagutan at tungkulin), sa ilan sa kanila, si Allah ay nakipag-usap; ang ilan ay Kanyang itinaas sa antas (ng karangalan); at kay Hesus na anak ni Maria, Kami ay nagbigay ng maliwanag na Tanda at Katibayan at siya ay pinatatag Namin ng Banal na Espiritu (ruh-ul-Qudus o Gabriel). At kung ninais lamang ni Allah, ang mga sumunod na lahi ay hindi makikipaglaban laban sa isa’t isa pagkaraang ang maliwanag na Kapahayagan ni Allah ay dumatal sa kanila, datapuwa’t sila ay nagkaiba-iba, ang ilan sa kanila ay sumampalataya at ang iba ay hindi sumampalataya. At kung ninais ni Allah, sila ay hindi sana makikipaglaban sa isa’t isa, datapuwa’t si Allah ay gumagawa ng Kanyang maibigan
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا أَنْفِقُوا مِمَّا رَزَقْنَاكُمْ مِنْ قَبْلِ أَنْ يَأْتِيَ يَوْمٌ لَا بَيْعٌ فِيهِ وَلَا خُلَّةٌ وَلَا شَفَاعَةٌ ۗ وَالْكَافِرُونَ هُمُ الظَّالِمُونَ
o kayong nagsisisampalataya! Gumugol kayo sa mga bagay na ipinagkaloob Namin sa inyo bago sumapit ang Araw na rito ay walang pakiusapan at pakikipagkaibigan at pamamagitan. At ang nagtatakwil ng pananampalataya, sila ang Zalimun (mga tampalasan, buktot, buhong, pagano, atbp)
اللَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ الْحَيُّ الْقَيُّومُ ۚ لَا تَأْخُذُهُ سِنَةٌ وَلَا نَوْمٌ ۚ لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۗ مَنْ ذَا الَّذِي يَشْفَعُ عِنْدَهُ إِلَّا بِإِذْنِهِ ۚ يَعْلَمُ مَا بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ ۖ وَلَا يُحِيطُونَ بِشَيْءٍ مِنْ عِلْمِهِ إِلَّا بِمَا شَاءَ ۚ وَسِعَ كُرْسِيُّهُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ ۖ وَلَا يَئُودُهُ حِفْظُهُمَا ۚ وَهُوَ الْعَلِيُّ الْعَظِيمُ
Allah! La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), ang Lalaging Buhay, ang may Sariling Kasapatan, ang Tagapanustos at Nangangalaga ng lahat (ng mga nilalang). Ang antok ay hindi makakapanaig sa Kanya gayundin ang pagkaidlip. Siya ang nag-aangkin ng lahat ng bagay sa mga kalangitan at kalupaan. Sino kaya baga ang makakapamagitan sa Kanya malibang Kanyang pahintulutan? Talastas Niya kung ano ang nangyayari (sa Kanyang mga nilikha) sa mundong ito (noon, pagkaraan, ngayon, bukas, sa kanilang harapan at sa kanilang likuran), at ang kanilang kasasapitan sa Kabilang Buhay. At sila ay hindi makakapagtamo ng anumang karunungan maliban na Kanyang naisin. Ang Kanyang Kursi (Luklukan) ay humahangga sa mga kalangitan at kalupaan at Siya ay hindi napapagal sa pagbabantay at pagpapanatili sa kanila sapagkat Siya ang Kataas-taasan, ang Sukdol sa Kaluwalhatian. (Ayat-ul-Kursi)
لَا إِكْرَاهَ فِي الدِّينِ ۖ قَدْ تَبَيَّنَ الرُّشْدُ مِنَ الْغَيِّ ۚ فَمَنْ يَكْفُرْ بِالطَّاغُوتِ وَيُؤْمِنْ بِاللَّهِ فَقَدِ اسْتَمْسَكَ بِالْعُرْوَةِ الْوُثْقَىٰ لَا انْفِصَامَ لَهَا ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
walang pamimilit sa pananampalataya. Ang katotohanan ay bukod sa kamalian. Sinuman ang hindi manampalataya sa Taghut (mga diyus- diyosan, idolo, imahen, anupamang sinasamba maliban pa kay Allah tulad ng anghel, banal na tao, propeta, satanas, bato, libingan, Hesus na anak ni Maria, krus, atbp.) at manalig kay Allah ay nakasakmal ng tunay na mapagkakatiwalaang tangan na hindi masisira. At si Allah ang Nakakarinig at Nakakabatid ng lahat ng bagay

Choose other languages: