Surah Al-Baqara Ayahs #259 Translated in Filipino
اللَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ الْحَيُّ الْقَيُّومُ ۚ لَا تَأْخُذُهُ سِنَةٌ وَلَا نَوْمٌ ۚ لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۗ مَنْ ذَا الَّذِي يَشْفَعُ عِنْدَهُ إِلَّا بِإِذْنِهِ ۚ يَعْلَمُ مَا بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ ۖ وَلَا يُحِيطُونَ بِشَيْءٍ مِنْ عِلْمِهِ إِلَّا بِمَا شَاءَ ۚ وَسِعَ كُرْسِيُّهُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ ۖ وَلَا يَئُودُهُ حِفْظُهُمَا ۚ وَهُوَ الْعَلِيُّ الْعَظِيمُ
Allah! La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), ang Lalaging Buhay, ang may Sariling Kasapatan, ang Tagapanustos at Nangangalaga ng lahat (ng mga nilalang). Ang antok ay hindi makakapanaig sa Kanya gayundin ang pagkaidlip. Siya ang nag-aangkin ng lahat ng bagay sa mga kalangitan at kalupaan. Sino kaya baga ang makakapamagitan sa Kanya malibang Kanyang pahintulutan? Talastas Niya kung ano ang nangyayari (sa Kanyang mga nilikha) sa mundong ito (noon, pagkaraan, ngayon, bukas, sa kanilang harapan at sa kanilang likuran), at ang kanilang kasasapitan sa Kabilang Buhay. At sila ay hindi makakapagtamo ng anumang karunungan maliban na Kanyang naisin. Ang Kanyang Kursi (Luklukan) ay humahangga sa mga kalangitan at kalupaan at Siya ay hindi napapagal sa pagbabantay at pagpapanatili sa kanila sapagkat Siya ang Kataas-taasan, ang Sukdol sa Kaluwalhatian. (Ayat-ul-Kursi)
لَا إِكْرَاهَ فِي الدِّينِ ۖ قَدْ تَبَيَّنَ الرُّشْدُ مِنَ الْغَيِّ ۚ فَمَنْ يَكْفُرْ بِالطَّاغُوتِ وَيُؤْمِنْ بِاللَّهِ فَقَدِ اسْتَمْسَكَ بِالْعُرْوَةِ الْوُثْقَىٰ لَا انْفِصَامَ لَهَا ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
walang pamimilit sa pananampalataya. Ang katotohanan ay bukod sa kamalian. Sinuman ang hindi manampalataya sa Taghut (mga diyus- diyosan, idolo, imahen, anupamang sinasamba maliban pa kay Allah tulad ng anghel, banal na tao, propeta, satanas, bato, libingan, Hesus na anak ni Maria, krus, atbp.) at manalig kay Allah ay nakasakmal ng tunay na mapagkakatiwalaang tangan na hindi masisira. At si Allah ang Nakakarinig at Nakakabatid ng lahat ng bagay
اللَّهُ وَلِيُّ الَّذِينَ آمَنُوا يُخْرِجُهُمْ مِنَ الظُّلُمَاتِ إِلَى النُّورِ ۖ وَالَّذِينَ كَفَرُوا أَوْلِيَاؤُهُمُ الطَّاغُوتُ يُخْرِجُونَهُمْ مِنَ النُّورِ إِلَى الظُّلُمَاتِ ۗ أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ
Si Allah ang wali (Tagapangalaga o Tagapagbantay) ng mga mayroong pananalig; mula sa kailaliman ng kadiliman ay Kanyang ginabayan sila sa liwanag. At sa mga nagtatakwil sa pananampalataya, ang kanilang kapanalig ay Taghut (mga diyus-diyosan, mga likhang bagay na sinasamba, atbp.), sila ay kanilang kinuha mula sa liwanag tungo sa kadiliman. Sila ang mananahan sa Apoy, at sila ay mananatili rito magpakailanman
أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِي حَاجَّ إِبْرَاهِيمَ فِي رَبِّهِ أَنْ آتَاهُ اللَّهُ الْمُلْكَ إِذْ قَالَ إِبْرَاهِيمُ رَبِّيَ الَّذِي يُحْيِي وَيُمِيتُ قَالَ أَنَا أُحْيِي وَأُمِيتُ ۖ قَالَ إِبْرَاهِيمُ فَإِنَّ اللَّهَ يَأْتِي بِالشَّمْسِ مِنَ الْمَشْرِقِ فَأْتِ بِهَا مِنَ الْمَغْرِبِ فَبُهِتَ الَّذِي كَفَرَ ۗ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ
Hindi baga ninyo napag-iisipan siya na nakikipagtalo kay Abraham tungkol sa kanyang Panginoon (Allah), sapagkat si Allah ay nagkaloob sa kanya ng kaharian? Nang si Abraham ay magsabi (sa kanya na nakikipagtalo): “Ang aking Panginoon (Allah) ay Siyang nagbibigay ng buhay at naggagawad ng kamatayan.” Siya (na nakikipagtalo) ay nagsabi: “Ako ay nagbibigay ng buhay at naggagawad ng kamatayan.” Si Abraham ay nagsabi: “Katotohanan! Si Allah ang nagpapasikat ng araw mula sa silangan; ikaw baga ang nakakapangyari na mapasikat ito mula sa kanluran.” Kaya’t siya na walang pananalig ay tunay na talunan. At si Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na Zalimun (mga tampalasan, mapaggawa ng kamalian, buktot, atbp)
أَوْ كَالَّذِي مَرَّ عَلَىٰ قَرْيَةٍ وَهِيَ خَاوِيَةٌ عَلَىٰ عُرُوشِهَا قَالَ أَنَّىٰ يُحْيِي هَٰذِهِ اللَّهُ بَعْدَ مَوْتِهَا ۖ فَأَمَاتَهُ اللَّهُ مِائَةَ عَامٍ ثُمَّ بَعَثَهُ ۖ قَالَ كَمْ لَبِثْتَ ۖ قَالَ لَبِثْتُ يَوْمًا أَوْ بَعْضَ يَوْمٍ ۖ قَالَ بَلْ لَبِثْتَ مِائَةَ عَامٍ فَانْظُرْ إِلَىٰ طَعَامِكَ وَشَرَابِكَ لَمْ يَتَسَنَّهْ ۖ وَانْظُرْ إِلَىٰ حِمَارِكَ وَلِنَجْعَلَكَ آيَةً لِلنَّاسِ ۖ وَانْظُرْ إِلَى الْعِظَامِ كَيْفَ نُنْشِزُهَا ثُمَّ نَكْسُوهَا لَحْمًا ۚ فَلَمَّا تَبَيَّنَ لَهُ قَالَ أَعْلَمُ أَنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
o inyo bang itinuring (o naisip bilang paghahambing) siya, na napadako sa isang bayan na lubhang nasalanta. Siya ay nagsabi: “oh! Papaano kayang maibabalik ito ni Allah sa pagkabuhay matapos na ito ay mamatay?” Kaya’t pinapangyari ni Allah na mamatay siya ng isang daang taon, at siya ay (muling) ibinangon. Siya (Allah) ay nagwika: “Gaano katagal na nanatili ka (na walang buhay)?” Siya (ang tao) ay nagsabi: “(Marahil) ako ay nanatiling (walang buhay) ng isang araw o bahagi ng isang araw.” Siya (Allah) ay nagwika: “Hindi, ikaw ay nanatili (na walang buhay) sa loob ng isang daang taon, (datapuwa’t) tingnan mo ang iyong pagkain at inumin, ito ay hindi kakikitaan ng pagbabago; at tingnan mo ang iyong asno (patay na kalansay na lamang)! At sa ganitong (paraan), ikaw ay ginawa Namin na isang Tanda sa mga tao. Pagmasdan mo ang mga buto (ng asno), kung paano Namin binuo ito at binalutan ng laman.” At nang ito ay maliwanag na nalantad sa kanya, siya ay nagsabi: “Batid ko na (ngayon) na si Allah ay makakagawa ng lahat ng bagay.”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
