Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #260 Translated in Filipino

لَا إِكْرَاهَ فِي الدِّينِ ۖ قَدْ تَبَيَّنَ الرُّشْدُ مِنَ الْغَيِّ ۚ فَمَنْ يَكْفُرْ بِالطَّاغُوتِ وَيُؤْمِنْ بِاللَّهِ فَقَدِ اسْتَمْسَكَ بِالْعُرْوَةِ الْوُثْقَىٰ لَا انْفِصَامَ لَهَا ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
walang pamimilit sa pananampalataya. Ang katotohanan ay bukod sa kamalian. Sinuman ang hindi manampalataya sa Taghut (mga diyus- diyosan, idolo, imahen, anupamang sinasamba maliban pa kay Allah tulad ng anghel, banal na tao, propeta, satanas, bato, libingan, Hesus na anak ni Maria, krus, atbp.) at manalig kay Allah ay nakasakmal ng tunay na mapagkakatiwalaang tangan na hindi masisira. At si Allah ang Nakakarinig at Nakakabatid ng lahat ng bagay
اللَّهُ وَلِيُّ الَّذِينَ آمَنُوا يُخْرِجُهُمْ مِنَ الظُّلُمَاتِ إِلَى النُّورِ ۖ وَالَّذِينَ كَفَرُوا أَوْلِيَاؤُهُمُ الطَّاغُوتُ يُخْرِجُونَهُمْ مِنَ النُّورِ إِلَى الظُّلُمَاتِ ۗ أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ
Si Allah ang wali (Tagapangalaga o Tagapagbantay) ng mga mayroong pananalig; mula sa kailaliman ng kadiliman ay Kanyang ginabayan sila sa liwanag. At sa mga nagtatakwil sa pananampalataya, ang kanilang kapanalig ay Taghut (mga diyus-diyosan, mga likhang bagay na sinasamba, atbp.), sila ay kanilang kinuha mula sa liwanag tungo sa kadiliman. Sila ang mananahan sa Apoy, at sila ay mananatili rito magpakailanman
أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِي حَاجَّ إِبْرَاهِيمَ فِي رَبِّهِ أَنْ آتَاهُ اللَّهُ الْمُلْكَ إِذْ قَالَ إِبْرَاهِيمُ رَبِّيَ الَّذِي يُحْيِي وَيُمِيتُ قَالَ أَنَا أُحْيِي وَأُمِيتُ ۖ قَالَ إِبْرَاهِيمُ فَإِنَّ اللَّهَ يَأْتِي بِالشَّمْسِ مِنَ الْمَشْرِقِ فَأْتِ بِهَا مِنَ الْمَغْرِبِ فَبُهِتَ الَّذِي كَفَرَ ۗ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ
Hindi baga ninyo napag-iisipan siya na nakikipagtalo kay Abraham tungkol sa kanyang Panginoon (Allah), sapagkat si Allah ay nagkaloob sa kanya ng kaharian? Nang si Abraham ay magsabi (sa kanya na nakikipagtalo): “Ang aking Panginoon (Allah) ay Siyang nagbibigay ng buhay at naggagawad ng kamatayan.” Siya (na nakikipagtalo) ay nagsabi: “Ako ay nagbibigay ng buhay at naggagawad ng kamatayan.” Si Abraham ay nagsabi: “Katotohanan! Si Allah ang nagpapasikat ng araw mula sa silangan; ikaw baga ang nakakapangyari na mapasikat ito mula sa kanluran.” Kaya’t siya na walang pananalig ay tunay na talunan. At si Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na Zalimun (mga tampalasan, mapaggawa ng kamalian, buktot, atbp)
أَوْ كَالَّذِي مَرَّ عَلَىٰ قَرْيَةٍ وَهِيَ خَاوِيَةٌ عَلَىٰ عُرُوشِهَا قَالَ أَنَّىٰ يُحْيِي هَٰذِهِ اللَّهُ بَعْدَ مَوْتِهَا ۖ فَأَمَاتَهُ اللَّهُ مِائَةَ عَامٍ ثُمَّ بَعَثَهُ ۖ قَالَ كَمْ لَبِثْتَ ۖ قَالَ لَبِثْتُ يَوْمًا أَوْ بَعْضَ يَوْمٍ ۖ قَالَ بَلْ لَبِثْتَ مِائَةَ عَامٍ فَانْظُرْ إِلَىٰ طَعَامِكَ وَشَرَابِكَ لَمْ يَتَسَنَّهْ ۖ وَانْظُرْ إِلَىٰ حِمَارِكَ وَلِنَجْعَلَكَ آيَةً لِلنَّاسِ ۖ وَانْظُرْ إِلَى الْعِظَامِ كَيْفَ نُنْشِزُهَا ثُمَّ نَكْسُوهَا لَحْمًا ۚ فَلَمَّا تَبَيَّنَ لَهُ قَالَ أَعْلَمُ أَنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
o inyo bang itinuring (o naisip bilang paghahambing) siya, na napadako sa isang bayan na lubhang nasalanta. Siya ay nagsabi: “oh! Papaano kayang maibabalik ito ni Allah sa pagkabuhay matapos na ito ay mamatay?” Kaya’t pinapangyari ni Allah na mamatay siya ng isang daang taon, at siya ay (muling) ibinangon. Siya (Allah) ay nagwika: “Gaano katagal na nanatili ka (na walang buhay)?” Siya (ang tao) ay nagsabi: “(Marahil) ako ay nanatiling (walang buhay) ng isang araw o bahagi ng isang araw.” Siya (Allah) ay nagwika: “Hindi, ikaw ay nanatili (na walang buhay) sa loob ng isang daang taon, (datapuwa’t) tingnan mo ang iyong pagkain at inumin, ito ay hindi kakikitaan ng pagbabago; at tingnan mo ang iyong asno (patay na kalansay na lamang)! At sa ganitong (paraan), ikaw ay ginawa Namin na isang Tanda sa mga tao. Pagmasdan mo ang mga buto (ng asno), kung paano Namin binuo ito at binalutan ng laman.” At nang ito ay maliwanag na nalantad sa kanya, siya ay nagsabi: “Batid ko na (ngayon) na si Allah ay makakagawa ng lahat ng bagay.”
وَإِذْ قَالَ إِبْرَاهِيمُ رَبِّ أَرِنِي كَيْفَ تُحْيِي الْمَوْتَىٰ ۖ قَالَ أَوَلَمْ تُؤْمِنْ ۖ قَالَ بَلَىٰ وَلَٰكِنْ لِيَطْمَئِنَّ قَلْبِي ۖ قَالَ فَخُذْ أَرْبَعَةً مِنَ الطَّيْرِ فَصُرْهُنَّ إِلَيْكَ ثُمَّ اجْعَلْ عَلَىٰ كُلِّ جَبَلٍ مِنْهُنَّ جُزْءًا ثُمَّ ادْعُهُنَّ يَأْتِينَكَ سَعْيًا ۚ وَاعْلَمْ أَنَّ اللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ
Pagmasdan! Si Abraham ay nagsabi: “Aking Panginoon, ipamalas Ninyo sa akin kung paano Kayo nagbibigay ng buhay sa patay.” Siya (Allah) ay nagwika: “Hindi ka ba naniniwala?” Siya (Abraham) ay nagsabi: “Tunay, (ako ay nananalig), nguni’t upang maging malakas ang (aking) pananalig.” Siya (Allah) ay nagwika: “Ikaw ay kumuha ng apat na ibon, talian mo sila (at hatiin mo sa maraming piraso), at iyong ilagay ang bawat piraso sa bawat burol, at sila ay iyong tawagin, sila ay magmamadali na paparoon sa iyo”. At iyong maalaman na si Allah ang Pinakamakapangyarihan, ang Lubos na Maalam

Choose other languages: