Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayah #197 Translated in Filipino

الْحَجُّ أَشْهُرٌ مَعْلُومَاتٌ ۚ فَمَنْ فَرَضَ فِيهِنَّ الْحَجَّ فَلَا رَفَثَ وَلَا فُسُوقَ وَلَا جِدَالَ فِي الْحَجِّ ۗ وَمَا تَفْعَلُوا مِنْ خَيْرٍ يَعْلَمْهُ اللَّهُ ۗ وَتَزَوَّدُوا فَإِنَّ خَيْرَ الزَّادِ التَّقْوَىٰ ۚ وَاتَّقُونِ يَا أُولِي الْأَلْبَابِ
Ang Hajj (Pilgrimahe) ay (nasa loob) ng mga bantog na buwan (alalaong baga, ang pansampu, panlabing-isa at unang sampung araw ng panlabingdalawang buwan ng kalendaryong Islamiko, alalaong baga, dalawang buwan at sampung araw). Kaya’t kung sinuman ang magpasyang magsagawa ng Hajj (Pilgrimahe), dito (na ang pasimula ay ang pagsusuot ng Ihram, alalaong baga, kasuutan na pang-Pilgrimahe), kung gayon, hindi marapat na siya ay makipag-ulayaw sa kanyang asawa, at huwag gumawa ng kasalanan at huwag ding makipagtalo ng walang katarungan sa panahon ng Hajj. At anumang mabuti ang inyong gawin, (huwag magkaroon ng alinlangan), si Allah ang nakakatalos ng mga ito. At kayo ay magbaon ng inyong ikabubuhay, datapuwa’t ang higit na mainam na baon ay Taqwa (kabutihan, kabanalan, pangangamba at pagkatakot kay Allah, atbp.). Kaya’t Ako ay pangambahan ninyo, o kayong mga tao na may pang- unawa

Choose other languages: