Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #203 Translated in Filipino

ثُمَّ أَفِيضُوا مِنْ حَيْثُ أَفَاضَ النَّاسُ وَاسْتَغْفِرُوا اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ
At kayo ay magbalik mula sa pook kung saan ang karamihan ng lahat ay maaaring magsama-sama at kayo ay manawagan kay Allah sa Kanyang kapatawaran. Katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
فَإِذَا قَضَيْتُمْ مَنَاسِكَكُمْ فَاذْكُرُوا اللَّهَ كَذِكْرِكُمْ آبَاءَكُمْ أَوْ أَشَدَّ ذِكْرًا ۗ فَمِنَ النَّاسِ مَنْ يَقُولُ رَبَّنَا آتِنَا فِي الدُّنْيَا وَمَا لَهُ فِي الْآخِرَةِ مِنْ خَلَاقٍ
Kaya’t kung matapos na ninyo ang mga ritwal (ang lahat ng seremonya at tungkulin ng Hajj), inyong ipagbunyi ang mga papuri kay Allah. Alalahanin ninyo si Allah kung paano ninyo ginugunita ang inyong mga ninuno o higit pa ritong pag-aala-ala (sa puso at kaluluwa). Mayroon (sa karamihan) ng mga tao ang nagsasabi: “Aming Panginoon! Ipagkaloob Ninyo sa amin (ang Inyong biyaya) sa mundong ito!” Datapuwa’t sila ay walang bahagi sa Kabilang Buhay
وَمِنْهُمْ مَنْ يَقُولُ رَبَّنَا آتِنَا فِي الدُّنْيَا حَسَنَةً وَفِي الْآخِرَةِ حَسَنَةً وَقِنَا عَذَابَ النَّارِ
At mayroon (sa karamihan) ng mga tao ang nagsasabi: “Aming Panginoon! Inyong pagkalooban kami ng mabuti sa mundong ito at ng mabuti sa Kabilang Buhay, at Inyong iadya kami sa kaparusahan ng Apoy!”
أُولَٰئِكَ لَهُمْ نَصِيبٌ مِمَّا كَسَبُوا ۚ وَاللَّهُ سَرِيعُ الْحِسَابِ
Sa kanila ay igagawad ang bahagi ng kanilang pinagsumikapan; at si Allah ay Maagap sa Pagsusulit
وَاذْكُرُوا اللَّهَ فِي أَيَّامٍ مَعْدُودَاتٍ ۚ فَمَنْ تَعَجَّلَ فِي يَوْمَيْنِ فَلَا إِثْمَ عَلَيْهِ وَمَنْ تَأَخَّرَ فَلَا إِثْمَ عَلَيْهِ ۚ لِمَنِ اتَّقَىٰ ۗ وَاتَّقُوا اللَّهَ وَاعْلَمُوا أَنَّكُمْ إِلَيْهِ تُحْشَرُونَ
At alalahanin si Allah sa panahon ng Natatakdaang Araw (ang tatlong araw na ang mga tao ay namamalagi sa Mina sa panahon ng Hajj; sa panlabing-isa, panlabingdalawa at panlabingtatlong araw ng buwan ng Dhul-Hijjah sa pagsasabi nang malimit ng Allahu Akbar [si Allah ang Pinakadakila sa lahat] at habang nagkakatay ng Hady (pangsakripisyong hayop) at sa panahon ng Ramy ng Jamarat [simbolikong pagpupukol ng mga bato sa mga burol bilang pagtatakwil kay Satanas]), datapuwa’t kung sinuman ang magmadali na lumisan (pagkaraan) ng dalawang araw, ito ay hindi isang kamalian sa kanya at sinumang magpaiwan, ito ay hindi kasalanan sa kanya kung ang kanyang layunin ay gumawa ng kabutihan at tumalima kay Allah, at inyong maalaman na katotohanang kayo ay titipunin tungo sa Kanya

Choose other languages: