Surah Al-Baqara Ayahs #202 Translated in Filipino
لَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ أَنْ تَبْتَغُوا فَضْلًا مِنْ رَبِّكُمْ ۚ فَإِذَا أَفَضْتُمْ مِنْ عَرَفَاتٍ فَاذْكُرُوا اللَّهَ عِنْدَ الْمَشْعَرِ الْحَرَامِ ۖ وَاذْكُرُوهُ كَمَا هَدَاكُمْ وَإِنْ كُنْتُمْ مِنْ قَبْلِهِ لَمِنَ الضَّالِّينَ
Hindiisangkasalanansainyokungkayoaymagsihanap ng Biyaya ng inyong Panginoon (sa panahon ng Pilgrimahe). At kung kayo ay paalis na sa (Bundok ng) Arafat, inyong ipagdiwang ang pagluwalhati sa (inyong) Panginoon sa Banal na dambana (Muzdalifa) at ipagbunyi ang Kanyang papuri sapagkat kayo ay Kanyang pinatnubayan, bagama’t sa simula nito, kayo ay napaligaw
ثُمَّ أَفِيضُوا مِنْ حَيْثُ أَفَاضَ النَّاسُ وَاسْتَغْفِرُوا اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ
At kayo ay magbalik mula sa pook kung saan ang karamihan ng lahat ay maaaring magsama-sama at kayo ay manawagan kay Allah sa Kanyang kapatawaran. Katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
فَإِذَا قَضَيْتُمْ مَنَاسِكَكُمْ فَاذْكُرُوا اللَّهَ كَذِكْرِكُمْ آبَاءَكُمْ أَوْ أَشَدَّ ذِكْرًا ۗ فَمِنَ النَّاسِ مَنْ يَقُولُ رَبَّنَا آتِنَا فِي الدُّنْيَا وَمَا لَهُ فِي الْآخِرَةِ مِنْ خَلَاقٍ
Kaya’t kung matapos na ninyo ang mga ritwal (ang lahat ng seremonya at tungkulin ng Hajj), inyong ipagbunyi ang mga papuri kay Allah. Alalahanin ninyo si Allah kung paano ninyo ginugunita ang inyong mga ninuno o higit pa ritong pag-aala-ala (sa puso at kaluluwa). Mayroon (sa karamihan) ng mga tao ang nagsasabi: “Aming Panginoon! Ipagkaloob Ninyo sa amin (ang Inyong biyaya) sa mundong ito!” Datapuwa’t sila ay walang bahagi sa Kabilang Buhay
وَمِنْهُمْ مَنْ يَقُولُ رَبَّنَا آتِنَا فِي الدُّنْيَا حَسَنَةً وَفِي الْآخِرَةِ حَسَنَةً وَقِنَا عَذَابَ النَّارِ
At mayroon (sa karamihan) ng mga tao ang nagsasabi: “Aming Panginoon! Inyong pagkalooban kami ng mabuti sa mundong ito at ng mabuti sa Kabilang Buhay, at Inyong iadya kami sa kaparusahan ng Apoy!”
أُولَٰئِكَ لَهُمْ نَصِيبٌ مِمَّا كَسَبُوا ۚ وَاللَّهُ سَرِيعُ الْحِسَابِ
Sa kanila ay igagawad ang bahagi ng kanilang pinagsumikapan; at si Allah ay Maagap sa Pagsusulit
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
