Surah Al-Baqara Ayah #196 Translated in Filipino
وَأَتِمُّوا الْحَجَّ وَالْعُمْرَةَ لِلَّهِ ۚ فَإِنْ أُحْصِرْتُمْ فَمَا اسْتَيْسَرَ مِنَ الْهَدْيِ ۖ وَلَا تَحْلِقُوا رُءُوسَكُمْ حَتَّىٰ يَبْلُغَ الْهَدْيُ مَحِلَّهُ ۚ فَمَنْ كَانَ مِنْكُمْ مَرِيضًا أَوْ بِهِ أَذًى مِنْ رَأْسِهِ فَفِدْيَةٌ مِنْ صِيَامٍ أَوْ صَدَقَةٍ أَوْ نُسُكٍ ۚ فَإِذَا أَمِنْتُمْ فَمَنْ تَمَتَّعَ بِالْعُمْرَةِ إِلَى الْحَجِّ فَمَا اسْتَيْسَرَ مِنَ الْهَدْيِ ۚ فَمَنْ لَمْ يَجِدْ فَصِيَامُ ثَلَاثَةِ أَيَّامٍ فِي الْحَجِّ وَسَبْعَةٍ إِذَا رَجَعْتُمْ ۗ تِلْكَ عَشَرَةٌ كَامِلَةٌ ۗ ذَٰلِكَ لِمَنْ لَمْ يَكُنْ أَهْلُهُ حَاضِرِي الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ وَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ شَدِيدُ الْعِقَابِ

At inyong isagawa nang maayos ang Hajj (Pilgrimahe) at Umrah (Maigsing Pilgrimahe) sa paglilingkod kay Allah. Datapuwa’t kung kayo ay nagkaroon ng sagabal (upang magampanan ang lahat ng ito), kayo ay mag-alay ng Hady (ang hayop, tulad ng tupa, baka, atbp.) ayon sa inyong kakayahan at huwag ninyong ahitin ang inyong ulo hanggang ang inyong Hady ay hindi pa nakakarating sa pook ng pag-aalay. At kung sinuman sa inyo ang may sakit, o may karamdaman sa kanyang anit (na kailangang ahitin), siya ay nararapat na magbayad ng Fidya (pantubos o panghalili); maaaring siya ay mag-ayuno (ng tatlong araw), o magpakain ng mahirap (anim na katao) o mag-alay (ng isang tupa). At kung ikaw ay nasa (katayuang muli) ng kaligtasan, sinuman ang magsagawa (o magpatuloy) ng Umrah hanggang Hajj sa buwan ng Hajj, siya ay nararapat na maghandog ng alay ayon sa kanyang kakayahan, datapuwa’t kung wala siyang kakayahan ay nararapat na siya ay mag- ayuno ng tatlong araw sa panahon ng Hajj at pitong araw pagkauwi niya, ganap na sampung araw sa lahat-lahat. Ito ay para (sa kanila) na ang mga pamilya ay (hindi nakatira sa loob ng hangganan) ng Banal na Bahay dalanginan. At inyong pangambahan si Allah at inyong maalaman na si Allah ay mahigpit sa kaparusahan
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba