Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #169 Translated in Filipino

وَمِنَ النَّاسِ مَنْ يَتَّخِذُ مِنْ دُونِ اللَّهِ أَنْدَادًا يُحِبُّونَهُمْ كَحُبِّ اللَّهِ ۖ وَالَّذِينَ آمَنُوا أَشَدُّ حُبًّا لِلَّهِ ۗ وَلَوْ يَرَى الَّذِينَ ظَلَمُوا إِذْ يَرَوْنَ الْعَذَابَ أَنَّ الْقُوَّةَ لِلَّهِ جَمِيعًا وَأَنَّ اللَّهَ شَدِيدُ الْعَذَابِ
Datapuwa’t mayroong mga tao na nagtuturing pa ng iba (sa pagsamba) bukod pa kay Allah bilang katambal (sa Kanya). Minamahal nila ito na katulad din ng pagmamahal (nila) kay Allah. Datapuwa’t ang may pananampalataya ay may nag-uumapaw na pagmamahal kay Allah. At kung mamamalas lamang ng mga mapaggawa ng kamalian; pagmalasin, kanilang mamamasdan ang kaparusahan, (at mapag-uunawa nila) na si Allah ang naghahawak ng lahat ng kapangyarihan at si Allah ay mahigpit sa kaparusahan
إِذْ تَبَرَّأَ الَّذِينَ اتُّبِعُوا مِنَ الَّذِينَ اتَّبَعُوا وَرَأَوُا الْعَذَابَ وَتَقَطَّعَتْ بِهِمُ الْأَسْبَابُ
At kung sila na kanilang pinamarisan (at sinunod) ay magpasinungaling (magtatwa o magmaang-maangan) sa mga sumunod sa kanila, at kanilang mamasdan ang kaparusahan, ang lahat ng kanilang pinagsamahan ay mapuputol
وَقَالَ الَّذِينَ اتَّبَعُوا لَوْ أَنَّ لَنَا كَرَّةً فَنَتَبَرَّأَ مِنْهُمْ كَمَا تَبَرَّءُوا مِنَّا ۗ كَذَٰلِكَ يُرِيهِمُ اللَّهُ أَعْمَالَهُمْ حَسَرَاتٍ عَلَيْهِمْ ۖ وَمَا هُمْ بِخَارِجِينَ مِنَ النَّارِ
At ang mga sumunod (sa kamalian) ay magsasabi: “Kung mayroon man lamang kami kahit na isang pagkakataon na makabalik (sa makamundong buhay), aming itatatwa sila kung paano kami ay kanilang itinatwa.” At ipakikita ni Allah ang (bunga) ng kanilang mga gawa na (wala ng iba maliban) sa pagsisisi. At sila ay hindi makakatalilis sa Apoy
يَا أَيُّهَا النَّاسُ كُلُوا مِمَّا فِي الْأَرْضِ حَلَالًا طَيِّبًا وَلَا تَتَّبِعُوا خُطُوَاتِ الشَّيْطَانِ ۚ إِنَّهُ لَكُمْ عَدُوٌّ مُبِينٌ
o sangkatauhan! Magsikain kayo ng anumang mabuti at pinahihintulutan dito sa kalupaan at huwag ninyong sundan ang mga yapak ni Satanas. Katotohanang siya sa inyo ay lantad na kaaway
إِنَّمَا يَأْمُرُكُمْ بِالسُّوءِ وَالْفَحْشَاءِ وَأَنْ تَقُولُوا عَلَى اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ
(Si Satanas) ay nag-uutos lamang sa inyo kung ano ang masama at kasalanan, at upang kayo ay magsalita nang laban kay Allah sa mga bagay na hindi ninyo nalalaman

Choose other languages: