Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #172 Translated in Filipino

يَا أَيُّهَا النَّاسُ كُلُوا مِمَّا فِي الْأَرْضِ حَلَالًا طَيِّبًا وَلَا تَتَّبِعُوا خُطُوَاتِ الشَّيْطَانِ ۚ إِنَّهُ لَكُمْ عَدُوٌّ مُبِينٌ
o sangkatauhan! Magsikain kayo ng anumang mabuti at pinahihintulutan dito sa kalupaan at huwag ninyong sundan ang mga yapak ni Satanas. Katotohanang siya sa inyo ay lantad na kaaway
إِنَّمَا يَأْمُرُكُمْ بِالسُّوءِ وَالْفَحْشَاءِ وَأَنْ تَقُولُوا عَلَى اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ
(Si Satanas) ay nag-uutos lamang sa inyo kung ano ang masama at kasalanan, at upang kayo ay magsalita nang laban kay Allah sa mga bagay na hindi ninyo nalalaman
وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ اتَّبِعُوا مَا أَنْزَلَ اللَّهُ قَالُوا بَلْ نَتَّبِعُ مَا أَلْفَيْنَا عَلَيْهِ آبَاءَنَا ۗ أَوَلَوْ كَانَ آبَاؤُهُمْ لَا يَعْقِلُونَ شَيْئًا وَلَا يَهْتَدُونَ
At nang ito ay ipagbadya sa kanila: “Sundin ninyo kung ano ang ipinahayag ni Allah.” Sila ay nagsasabi: “Hindi! Aming susundin ang paraan ng aming mga ninuno.” Ano! (Gagawin ba nila ito!), kahit na ang kanilang mga ninuno ay hungkag sa karunungan at patnubay
وَمَثَلُ الَّذِينَ كَفَرُوا كَمَثَلِ الَّذِي يَنْعِقُ بِمَا لَا يَسْمَعُ إِلَّا دُعَاءً وَنِدَاءً ۚ صُمٌّ بُكْمٌ عُمْيٌ فَهُمْ لَا يَعْقِلُونَ
Ang nakakahalintulad ng mga tao na nagtatakwil ng pananampalataya ay katulad niya na sumisigaw (sa pulutong ng mga tupa) na walang naririnig kundi tawag at panawagan. (Sila ay mga) bingi, pipi at bulag. Sila ay hungkag sa pang-unawa (at karunungan)
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا كُلُوا مِنْ طَيِّبَاتِ مَا رَزَقْنَاكُمْ وَاشْكُرُوا لِلَّهِ إِنْ كُنْتُمْ إِيَّاهُ تَعْبُدُونَ
o kayong nagsisisampalataya! Magsikain kayo ng mga pinahihintulutang bagay na Aming ipinagkaloob sa inyo at magkaroon ng damdamin ng pasasalamat kay Allah, kung katiyakang Siya ang inyong sinasamba

Choose other languages: