Surah Al-Araf Ayahs #100 Translated in Filipino
وَلَوْ أَنَّ أَهْلَ الْقُرَىٰ آمَنُوا وَاتَّقَوْا لَفَتَحْنَا عَلَيْهِمْ بَرَكَاتٍ مِنَ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ وَلَٰكِنْ كَذَّبُوا فَأَخَذْنَاهُمْ بِمَا كَانُوا يَكْسِبُونَ
At kung ang pamayanan ng mga bayan ay nanampalataya at nagkaroon ng Taqwa (kabanalan at kataimtiman), katiyakang Amin (sanang) ibubukas sa kanila ang mga biyaya mula sa kalangitan at kalupaan, datapuwa’t sila ay nagpasinungaling (sa mga Tagapagbalita). Kaya’t Aming sinakmal sila (ng kaparusahan) dahilan sa kanilang kinita (alalaong baga, ang kanilang pagsamba sa mga diyus-diyosan at mga krimen na kanilang ginawa, atbp)
أَفَأَمِنَ أَهْلُ الْقُرَىٰ أَنْ يَأْتِيَهُمْ بَأْسُنَا بَيَاتًا وَهُمْ نَائِمُونَ
Sila bagang pamayanan ng mga bayan ay nakadarama ng kaligtasan laban sa pagdatal ng Aming kaparusahan sa gabi habang sila ay natutulog
أَوَأَمِنَ أَهْلُ الْقُرَىٰ أَنْ يَأْتِيَهُمْ بَأْسُنَا ضُحًى وَهُمْ يَلْعَبُونَ
o sila bagang pamayanan ng mga bayan ay nakadarama ng kaligtasan laban sa pagdatal ng Aming kaparusahan bago magtanghali habang sila ay naglalaro
أَفَأَمِنُوا مَكْرَ اللَّهِ ۚ فَلَا يَأْمَنُ مَكْرَ اللَّهِ إِلَّا الْقَوْمُ الْخَاسِرُونَ
Sila baga’y nakadarama ng kaligtasan laban sa balak ni Allah? walang sinuman ang nakadarama ng kaligtasan sa balak ni Allah, maliban sa mga tao na (nakatakda) sa pagkawasak
أَوَلَمْ يَهْدِ لِلَّذِينَ يَرِثُونَ الْأَرْضَ مِنْ بَعْدِ أَهْلِهَا أَنْ لَوْ نَشَاءُ أَصَبْنَاهُمْ بِذُنُوبِهِمْ ۚ وَنَطْبَعُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ فَهُمْ لَا يَسْمَعُونَ
At sa mga nagmana ng kalupaan sa magkakasunod (na panahon) mula sa (nakaraang) nagmamay-ari, hindi pa ba ito isang namamatnubay (na aral), na kung Aming ninais, Amin din silang parurusahan dahilan sa kanilang mga kasalanan. At Aming sinarhan ang kanilang puso upang sila ay hindi makarinig
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
