Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #102 Translated in Filipino

أَوَأَمِنَ أَهْلُ الْقُرَىٰ أَنْ يَأْتِيَهُمْ بَأْسُنَا ضُحًى وَهُمْ يَلْعَبُونَ
o sila bagang pamayanan ng mga bayan ay nakadarama ng kaligtasan laban sa pagdatal ng Aming kaparusahan bago magtanghali habang sila ay naglalaro
أَفَأَمِنُوا مَكْرَ اللَّهِ ۚ فَلَا يَأْمَنُ مَكْرَ اللَّهِ إِلَّا الْقَوْمُ الْخَاسِرُونَ
Sila baga’y nakadarama ng kaligtasan laban sa balak ni Allah? walang sinuman ang nakadarama ng kaligtasan sa balak ni Allah, maliban sa mga tao na (nakatakda) sa pagkawasak
أَوَلَمْ يَهْدِ لِلَّذِينَ يَرِثُونَ الْأَرْضَ مِنْ بَعْدِ أَهْلِهَا أَنْ لَوْ نَشَاءُ أَصَبْنَاهُمْ بِذُنُوبِهِمْ ۚ وَنَطْبَعُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ فَهُمْ لَا يَسْمَعُونَ
At sa mga nagmana ng kalupaan sa magkakasunod (na panahon) mula sa (nakaraang) nagmamay-ari, hindi pa ba ito isang namamatnubay (na aral), na kung Aming ninais, Amin din silang parurusahan dahilan sa kanilang mga kasalanan. At Aming sinarhan ang kanilang puso upang sila ay hindi makarinig
تِلْكَ الْقُرَىٰ نَقُصُّ عَلَيْكَ مِنْ أَنْبَائِهَا ۚ وَلَقَدْ جَاءَتْهُمْ رُسُلُهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ فَمَا كَانُوا لِيُؤْمِنُوا بِمَا كَذَّبُوا مِنْ قَبْلُ ۚ كَذَٰلِكَ يَطْبَعُ اللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِ الْكَافِرِينَ
Ito ang kasaysayan ng mga bayan (pamayanan) na Aming isinalaysay sa iyo (o Muhammad). At katotohanang dumatal sa kanila ang kanilang mga Tagapagbalita namaymaliliwanagna Katibayan, datapuwa’t sila ay hindi nakahanda na manampalataya sa bagay na kanilang itinakwil noon pang una. Sa ganito sinasarhan ni Allah ang mga puso ng mga hindi sumasampalataya (sa bawat isa at lahat ng uri ng pangrelihiyong patnubay)
وَمَا وَجَدْنَا لِأَكْثَرِهِمْ مِنْ عَهْدٍ ۖ وَإِنْ وَجَدْنَا أَكْثَرَهُمْ لَفَاسِقِينَ
At ang karamihan sa kanila ay Aming natagpuan na hindi tapat sa kanilang kasunduan, bagkus ang karamihan sa kanila ay tunay Naming natagpuan na Fasiqun (mapaghimagsik at palasuway kay Allah)

Choose other languages: