Surah Al-Araf Ayahs #192 Translated in Filipino
قُلْ لَا أَمْلِكُ لِنَفْسِي نَفْعًا وَلَا ضَرًّا إِلَّا مَا شَاءَ اللَّهُ ۚ وَلَوْ كُنْتُ أَعْلَمُ الْغَيْبَ لَاسْتَكْثَرْتُ مِنَ الْخَيْرِ وَمَا مَسَّنِيَ السُّوءُ ۚ إِنْ أَنَا إِلَّا نَذِيرٌ وَبَشِيرٌ لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Ako ay walang pinanghahawakang kapangyarihan o kapakinabangan o kapinsalaan sa aking sarili malibang pahintulutan ni Allah. Kung ako lamang ay may kaalaman sa Al-Ghaib (mga bagay na nakalingid, o Kabilang Buhay), ginawa ko na sa aking sarili na makapagtabi ng malaking kayamanan, at walang anumang pasakit (kasamaan) ang maaaring sumapit sa akin. Ako ay isa lamang tagapagbabala at isang tagapagdala ng masayang balita sa mga tao na sumasampalataya.”
هُوَ الَّذِي خَلَقَكُمْ مِنْ نَفْسٍ وَاحِدَةٍ وَجَعَلَ مِنْهَا زَوْجَهَا لِيَسْكُنَ إِلَيْهَا ۖ فَلَمَّا تَغَشَّاهَا حَمَلَتْ حَمْلًا خَفِيفًا فَمَرَّتْ بِهِ ۖ فَلَمَّا أَثْقَلَتْ دَعَوَا اللَّهَ رَبَّهُمَا لَئِنْ آتَيْتَنَا صَالِحًا لَنَكُونَنَّ مِنَ الشَّاكِرِينَ
Siya (Allah) ang lumikha sa inyo mula sa nag-iisang tao (Adan), at Kanyang nilikha mula sa kanya ang kanyang asawa (Eba), upang kanyang madama ang kasiyahan na mamuhay sa piling niya. Nang siya (ang tao) ay magkaroon ng pakikipagtalik sa kanya, siya ay nagdalangtao at kanyang dinala ito na hindi naman kabigatan. At nang ito ay maging mabigat, kapwa sila ay nanalangin kay Allah, ang kanilang Panginoon, (na nagsasabi): “Kung Kayo ay magkakaloob sa amin ng isang Salih (isang bata na mabuti sa lahat ng bagay), katotohanang kami ay mapapabilang sa lipon ng mga tumatanaw ng pasasalamat.”
فَلَمَّا آتَاهُمَا صَالِحًا جَعَلَا لَهُ شُرَكَاءَ فِيمَا آتَاهُمَا ۚ فَتَعَالَى اللَّهُ عَمَّا يُشْرِكُونَ
Datapuwa’t nang Kanyang binigyan sila ng isang Salih (isang bata na mabuti sa lahat ng bagay), sila ay nag-akibat ng mga katambal (sa pangalan lamang at hindi sa pagsamba) sa Kanya (Allah), sa bagay na Kanyang ipinagkaloob sa kanila. Mataas si Allah, Siya ang Kataas-taasan sa lahat ng kanilang mga itinataguri bilang katambal sa Kanya
أَيُشْرِكُونَ مَا لَا يَخْلُقُ شَيْئًا وَهُمْ يُخْلَقُونَ
Sila baga ay nagtataguri ng mga katambal kay Allah, sa kanila (mga diyus-diyosan) na walang anumang nilikha, bagkus ay sila ang nilikha
وَلَا يَسْتَطِيعُونَ لَهُمْ نَصْرًا وَلَا أَنْفُسَهُمْ يَنْصُرُونَ
walang anumang tulong ang maibibigay nila sa kanila, gayundin naman, ay hindi nila matutulungan ang kanilang sarili
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
