Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #184 Translated in Filipino

وَلِلَّهِ الْأَسْمَاءُ الْحُسْنَىٰ فَادْعُوهُ بِهَا ۖ وَذَرُوا الَّذِينَ يُلْحِدُونَ فِي أَسْمَائِهِ ۚ سَيُجْزَوْنَ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
At (ang lahat) ng Pinakamagagandang Pangalan ay angkin ni Allah, kaya’t Siya ay tawagin ninyo sa mga Pangalang yaon, at iwan ninyo ang mga pangkat ng nagpapabulaan o nagkakaila (o umuusal ng walang galang na salita) sa Kanyang Pangalan. Sila ay gagantihan sa kanilang mga ginawa
وَمِمَّنْ خَلَقْنَا أُمَّةٌ يَهْدُونَ بِالْحَقِّ وَبِهِ يَعْدِلُونَ
At sa lipon nila na Aming nilikha, mayroong pamayanan na namamatnubay (sa mga iba) sa katotohanan, at dito ay nagtitindig ng katarungan
وَالَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا سَنَسْتَدْرِجُهُمْ مِنْ حَيْثُ لَا يَعْلَمُونَ
Sila na nagtatakwil ng Aming Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.), sila ay unti-unti Naming sasakmalin ng kaparusahan sa paraang hindi nila napag-aakala
وَأُمْلِي لَهُمْ ۚ إِنَّ كَيْدِي مَتِينٌ
At Aking bibigyan sila ng palugit; katiyakang ang Aking balak ay matibay
أَوَلَمْ يَتَفَكَّرُوا ۗ مَا بِصَاحِبِهِمْ مِنْ جِنَّةٍ ۚ إِنْ هُوَ إِلَّا نَذِيرٌ مُبِينٌ
Hindi baga sila nagmumuni-muni? Walang anumang pagkasira ng isip sa kanilang kasama (Muhammad, alalaong baga, siya ay hindi nababaliw). Siya ay isa lamang lantad na tagapagbabala

Choose other languages: