Surah Al-Araf Ayahs #187 Translated in Filipino
وَأُمْلِي لَهُمْ ۚ إِنَّ كَيْدِي مَتِينٌ
At Aking bibigyan sila ng palugit; katiyakang ang Aking balak ay matibay
أَوَلَمْ يَتَفَكَّرُوا ۗ مَا بِصَاحِبِهِمْ مِنْ جِنَّةٍ ۚ إِنْ هُوَ إِلَّا نَذِيرٌ مُبِينٌ
Hindi baga sila nagmumuni-muni? Walang anumang pagkasira ng isip sa kanilang kasama (Muhammad, alalaong baga, siya ay hindi nababaliw). Siya ay isa lamang lantad na tagapagbabala
أَوَلَمْ يَنْظُرُوا فِي مَلَكُوتِ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا خَلَقَ اللَّهُ مِنْ شَيْءٍ وَأَنْ عَسَىٰ أَنْ يَكُونَ قَدِ اقْتَرَبَ أَجَلُهُمْ ۖ فَبِأَيِّ حَدِيثٍ بَعْدَهُ يُؤْمِنُونَ
Hindi baga nila napagmamalas ang pangingibabaw ng mga kalangitan at kalupaan at lahat ng mga bagay na nilikha ni Allah, at maaaring ang katapusan ng kanilang buhay ay malapit na. Sa anong mensahe pagkaraan nito, sila pa ay sasampalataya
مَنْ يُضْلِلِ اللَّهُ فَلَا هَادِيَ لَهُ ۚ وَيَذَرُهُمْ فِي طُغْيَانِهِمْ يَعْمَهُونَ
Sinumang dalhin ni Allah sa pagkaligaw, walang sinuman ang makakapamatnubay sa kanya; at hinahayaan Niyang lumibot-libot sila na mga bulag sa kanilang pagmamalabis sa paglabag
يَسْأَلُونَكَ عَنِ السَّاعَةِ أَيَّانَ مُرْسَاهَا ۖ قُلْ إِنَّمَا عِلْمُهَا عِنْدَ رَبِّي ۖ لَا يُجَلِّيهَا لِوَقْتِهَا إِلَّا هُوَ ۚ ثَقُلَتْ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ لَا تَأْتِيكُمْ إِلَّا بَغْتَةً ۗ يَسْأَلُونَكَ كَأَنَّكَ حَفِيٌّ عَنْهَا ۖ قُلْ إِنَّمَا عِلْمُهَا عِنْدَ اللَّهِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ
Sila ay nagtatanong sa iyo (o Muhammad) hinggil sa oras (Araw ng Muling Pagkabuhay): “Kailan kaya ang kanyang natatakdaang oras?” Ipagbadya: “Ang karunungan dito ay nasa aking Panginoon (lamang). walang sinuman ang makakapagpahayag ng kanyang takdang oras maliban sa Kanya. Mabigat ang dalahin nito sa lahat ng dako ng mga kalangitan at kalupaan. Ito ay hindi daratal sa inyo maliban na ito ay biglang-bigla (walang babala).” Sila ay nagtatanong sa iyo (o Muhammad) na wari bang ikaw ay mayroong ganap na kaalaman dito. Ipagbadya: “Ang kaalaman dito ay (tanging) na kay Allah lamang, datapuwa’t ang karamihan sa sangkatauhan ay hindi nakakaalam.”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
