Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #185 Translated in Filipino

وَمِمَّنْ خَلَقْنَا أُمَّةٌ يَهْدُونَ بِالْحَقِّ وَبِهِ يَعْدِلُونَ
At sa lipon nila na Aming nilikha, mayroong pamayanan na namamatnubay (sa mga iba) sa katotohanan, at dito ay nagtitindig ng katarungan
وَالَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا سَنَسْتَدْرِجُهُمْ مِنْ حَيْثُ لَا يَعْلَمُونَ
Sila na nagtatakwil ng Aming Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.), sila ay unti-unti Naming sasakmalin ng kaparusahan sa paraang hindi nila napag-aakala
وَأُمْلِي لَهُمْ ۚ إِنَّ كَيْدِي مَتِينٌ
At Aking bibigyan sila ng palugit; katiyakang ang Aking balak ay matibay
أَوَلَمْ يَتَفَكَّرُوا ۗ مَا بِصَاحِبِهِمْ مِنْ جِنَّةٍ ۚ إِنْ هُوَ إِلَّا نَذِيرٌ مُبِينٌ
Hindi baga sila nagmumuni-muni? Walang anumang pagkasira ng isip sa kanilang kasama (Muhammad, alalaong baga, siya ay hindi nababaliw). Siya ay isa lamang lantad na tagapagbabala
أَوَلَمْ يَنْظُرُوا فِي مَلَكُوتِ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا خَلَقَ اللَّهُ مِنْ شَيْءٍ وَأَنْ عَسَىٰ أَنْ يَكُونَ قَدِ اقْتَرَبَ أَجَلُهُمْ ۖ فَبِأَيِّ حَدِيثٍ بَعْدَهُ يُؤْمِنُونَ
Hindi baga nila napagmamalas ang pangingibabaw ng mga kalangitan at kalupaan at lahat ng mga bagay na nilikha ni Allah, at maaaring ang katapusan ng kanilang buhay ay malapit na. Sa anong mensahe pagkaraan nito, sila pa ay sasampalataya

Choose other languages: