Surah Al-Araf Ayahs #174 Translated in Filipino
وَالَّذِينَ يُمَسِّكُونَ بِالْكِتَابِ وَأَقَامُوا الصَّلَاةَ إِنَّا لَا نُضِيعُ أَجْرَ الْمُصْلِحِينَ
At sa kanila na nananangan nang matimtiman sa Aklat (alalaong baga, gumagawa ng ayon sa mga turo nito), at nag-aalay ng pagdarasal nang mahinusay (Iqamat-us-Salat), katiyakang hindi Namin kailanman sasayangin ang gantimpala ng mga gumagawa ng kabutihan
وَإِذْ نَتَقْنَا الْجَبَلَ فَوْقَهُمْ كَأَنَّهُ ظُلَّةٌ وَظَنُّوا أَنَّهُ وَاقِعٌ بِهِمْ خُذُوا مَا آتَيْنَاكُمْ بِقُوَّةٍ وَاذْكُرُوا مَا فِيهِ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ
At (gunitain) nang Aming itinaas ang bundok sa ibabaw nila, na wari bang ito ay isang talukbong, at sila ay nag-akala na ito ay mahuhulog sa kanila. (Kami [Allah] ay nagwika): “Manangan kayo nang matatag sa bagay na Aming ipinagkaloob sa inyo (alalaong baga ang Torah [mga Batas]), at alalahanin kung ano ang naririto (gumawa ng ayon sa pag-uutos nito), upang inyong pangambahan si Allah at Siya ay (inyong) sundin.”
وَإِذْ أَخَذَ رَبُّكَ مِنْ بَنِي آدَمَ مِنْ ظُهُورِهِمْ ذُرِّيَّتَهُمْ وَأَشْهَدَهُمْ عَلَىٰ أَنْفُسِهِمْ أَلَسْتُ بِرَبِّكُمْ ۖ قَالُوا بَلَىٰ ۛ شَهِدْنَا ۛ أَنْ تَقُولُوا يَوْمَ الْقِيَامَةِ إِنَّا كُنَّا عَنْ هَٰذَا غَافِلِينَ
At (gunitain) nang ang inyong Panginoon ay maglabas (magpaanak) mula sa angkan ni Adan, mula sa kanilang mga himaymay, ng kanilang binhi (o mula sa himaymay ni Adan, ang kanyang mga anak at kaanak-anakan), at ginawa sila na sumaksi sa kanilang sarili (na [kami] ay nagsasabi): “Hindi baga Ako ang inyong Panginoon?” Sila ay nagsabi: “Oo! Kami ay sumasaksi,” (marahil) baka ninyo sabihin sa Araw ng Muling Pagkabuhay: “Katotohanang kami ay hindi nakakaalam nito.”
أَوْ تَقُولُوا إِنَّمَا أَشْرَكَ آبَاؤُنَا مِنْ قَبْلُ وَكُنَّا ذُرِّيَّةً مِنْ بَعْدِهِمْ ۖ أَفَتُهْلِكُنَا بِمَا فَعَلَ الْمُبْطِلُونَ
o baka inyong sabihin: “Sila lamang na aming mga ninuno noong panahong sinauna ang tumangkilik sa iba pa bilang mga katambal sa pagsamba kay Allah, at kami (lamang) ay kanilang mga saling-lahi pagkaraan nila; Inyo bagang wawasakin kami dahilan sa mga gawa ng mga tao na nagsagawa ng Al-Batil (alalaong baga, ang pagsamba sa diyus-diyosan, paggawa ng krimen at kasalanan, paninikluhod sa iba pa sa pagsamba maliban pa kay Allah)?”
وَكَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ الْآيَاتِ وَلَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ
Sa ganito Namin ipinapaliwanag ang Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) sa masusing paraan, upang sila ay magbalik (sa Katotohanan)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
