Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #141 Translated in Filipino

وَأَوْرَثْنَا الْقَوْمَ الَّذِينَ كَانُوا يُسْتَضْعَفُونَ مَشَارِقَ الْأَرْضِ وَمَغَارِبَهَا الَّتِي بَارَكْنَا فِيهَا ۖ وَتَمَّتْ كَلِمَتُ رَبِّكَ الْحُسْنَىٰ عَلَىٰ بَنِي إِسْرَائِيلَ بِمَا صَبَرُوا ۖ وَدَمَّرْنَا مَا كَانَ يَصْنَعُ فِرْعَوْنُ وَقَوْمُهُ وَمَا كَانُوا يَعْرِشُونَ
At Aming ginawa ang mga tao na itinuturing na mahina, na (kanilang) manahin ang mga silangang bahagi ng kalupaan at mga kanlurang bahagi niyaon na Aming binasbasan. Ang makatarungang pangako ng inyong Panginoon ay natupad para sa Angkan ng Israel dahilan sa kanilang pagbabata. At ganap Naming winasak ang lahat ng malalaking gawa at mga gusali na itinayo ni Paraon at ng kanyang mga tao
وَجَاوَزْنَا بِبَنِي إِسْرَائِيلَ الْبَحْرَ فَأَتَوْا عَلَىٰ قَوْمٍ يَعْكُفُونَ عَلَىٰ أَصْنَامٍ لَهُمْ ۚ قَالُوا يَا مُوسَى اجْعَلْ لَنَا إِلَٰهًا كَمَا لَهُمْ آلِهَةٌ ۚ قَالَ إِنَّكُمْ قَوْمٌ تَجْهَلُونَ
At Aming dinala ang Angkan ng Israel (na ligtas) sa kabilang panig ng dagat, at sila ay sumapit sa isang pamayanan na may pagdedebosyon sa ilan sa kanilang mga imahen (pagsamba sa diyus-diyosan). Sila ay nagsabi: “o Moises! Gumawa ka sa amin ng isang diyos sapagkat sila ay may mga diyos.” Siya ay nagturing: “Katotohanang kayo ay mga tao na hindi nakakatalos (ng Kamahalan at Kadakilaan ni Allah, at kung ano ang ipinag-uutos sa inyo, alalaong baga, ang huwag sumamba sa iba pa maliban lamang kay Allah, ang Nag-iisa at Tanging diyos ng lahat ng mga nilalang)
إِنَّ هَٰؤُلَاءِ مُتَبَّرٌ مَا هُمْ فِيهِ وَبَاطِلٌ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
(Si Moises ay muling bumanggit): “Katotohanan, ang mga taong ito at ang kanilang pinagkakaabalahan (na pagsamba sa mga diyus-diyosan) ay wawasakin. At ang lahat ng kanilang ginagawa ay walang saysay.”
قَالَ أَغَيْرَ اللَّهِ أَبْغِيكُمْ إِلَٰهًا وَهُوَ فَضَّلَكُمْ عَلَى الْعَالَمِينَ
Siya (Moises) ay nagsabi: “Ako baga ay hahanap para sa inyo ng isang diyos maliban pa kay Allah, samantalang Kanyang binigyan kayo ng mataas na katatayuan na higit sa lahat ng mga nilalang (ng inyong panahon).”
وَإِذْ أَنْجَيْنَاكُمْ مِنْ آلِ فِرْعَوْنَ يَسُومُونَكُمْ سُوءَ الْعَذَابِ ۖ يُقَتِّلُونَ أَبْنَاءَكُمْ وَيَسْتَحْيُونَ نِسَاءَكُمْ ۚ وَفِي ذَٰلِكُمْ بَلَاءٌ مِنْ رَبِّكُمْ عَظِيمٌ
At (gunitain) nang Aming iniligtas kayo mula sa mga tao ni Paraon, na nagpapahirap sa inyo ng pinakamatinding kaparusahan, na pumapatay sa inyong mga anak na lalaki, at hinahayaang mabuhay ang inyong kababaihan. At dito ay mayroong isang malaking pagsubok mula sa inyong Panginoon

Choose other languages: