Surah Al-Anaam Ayahs #57 Translated in Filipino
وَكَذَٰلِكَ فَتَنَّا بَعْضَهُمْ بِبَعْضٍ لِيَقُولُوا أَهَٰؤُلَاءِ مَنَّ اللَّهُ عَلَيْهِمْ مِنْ بَيْنِنَا ۗ أَلَيْسَ اللَّهُ بِأَعْلَمَ بِالشَّاكِرِينَ
Kaya’t Aming sinubukan ang ilan sa kanila na kasama pa ang iba, upang sila ay makapagsabi: “Sila ba ang (mga dukhang sumasampalataya) na higit na biniyayaan ni Allah sa aming lipon? Hindi baga talastas na mabuti ni Allah kung sino ang mga may damdamin ng pasasalamat?”
وَإِذَا جَاءَكَ الَّذِينَ يُؤْمِنُونَ بِآيَاتِنَا فَقُلْ سَلَامٌ عَلَيْكُمْ ۖ كَتَبَ رَبُّكُمْ عَلَىٰ نَفْسِهِ الرَّحْمَةَ ۖ أَنَّهُ مَنْ عَمِلَ مِنْكُمْ سُوءًا بِجَهَالَةٍ ثُمَّ تَابَ مِنْ بَعْدِهِ وَأَصْلَحَ فَأَنَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ
At kung ang mga sumasampalataya sa Aming Ayat (mga kapahayagan, aral, katibayan, tanda, atbp.) ay lumapit sa iyo, ipagbadya: “Salamun alaikum (ang kapayapaan ay sumainyo); anginyong Panginoonaysumulatng Habagmula sa Kanyang Sarili, upang kung sinuman sa inyo ang gumawa ng kasamaan dahil sa kawalang kaalaman, at pagkatapos ay nagtika at gumawa ng matutuwid at mabubuting bagay (sa pagsunod kay Allah), kung gayon, katotohanang Siya ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain.”
وَكَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ الْآيَاتِ وَلِتَسْتَبِينَ سَبِيلُ الْمُجْرِمِينَ
At sa ganito Namin ipinapaliwanag ang Ayat (mga kapahayagan, aral, katibayan, tanda, atbp.) sa masusing paraan, upang ang landas ng Mujrimun (mga kriminal, mapagsamba sa diyus- diyosan, buktot, buhong, atbp.) ay maging maliwanag
قُلْ إِنِّي نُهِيتُ أَنْ أَعْبُدَ الَّذِينَ تَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ ۚ قُلْ لَا أَتَّبِعُ أَهْوَاءَكُمْ ۙ قَدْ ضَلَلْتُ إِذًا وَمَا أَنَا مِنَ الْمُهْتَدِينَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Ako ay pinagbawalan na sambahin yaong mga pinapanalanginan ninyo (sa pagsamba) maliban pa kay Allah.” Ipagbadya: “Hindi ko susundin ang inyong walang kabuluhang pagnanasa. Kung ito ay aking gawin, ako ay mapapaligaw (ng landas) at ako ay hindi magiging isa sa mga matuwid na napapatnubayan.”
قُلْ إِنِّي عَلَىٰ بَيِّنَةٍ مِنْ رَبِّي وَكَذَّبْتُمْ بِهِ ۚ مَا عِنْدِي مَا تَسْتَعْجِلُونَ بِهِ ۚ إِنِ الْحُكْمُ إِلَّا لِلَّهِ ۖ يَقُصُّ الْحَقَّ ۖ وَهُوَ خَيْرُ الْفَاصِلِينَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Ako ay nasa maliwanag na Katibayan mula sa aking Panginoon (Kaisahan ng Diyos sa Islam), datapuwa’t inyong ikinaila (ang katotohanan na dumatal sa akin mula kay Allah). Hindi ko nakamtan ang inyong hinihingi na inyong kinaiinipan (ang kaparusahan). Ang pasya ay tanging na kay Allah lamang, Siya ang nagpapahayag ng Katotohanan, at Siya ang Pinakamainam sa lahat ng mga hukom.”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
