Surah Yusuf Ayahs #66 Translated in Filipino
وَقَالَ لِفِتْيَانِهِ اجْعَلُوا بِضَاعَتَهُمْ فِي رِحَالِهِمْ لَعَلَّهُمْ يَعْرِفُونَهَا إِذَا انْقَلَبُوا إِلَىٰ أَهْلِهِمْ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ
At sinabi (ni Hosep) sa kanyang mga katulong na ilagay ang kanilang (mga kapatid ni Hosep) salapi (alalaong baga, ang salapi na kanilang ipinambayad sa mais) sa kanilang mga bag na gamit sa biyahe, at kanilang malalaman lamang ito kung sila ay dumating na sa kanilang mga kaanak (pamayanan) upang magbalik
فَلَمَّا رَجَعُوا إِلَىٰ أَبِيهِمْ قَالُوا يَا أَبَانَا مُنِعَ مِنَّا الْكَيْلُ فَأَرْسِلْ مَعَنَا أَخَانَا نَكْتَلْ وَإِنَّا لَهُ لَحَافِظُونَ
Kaya’t nang sila ay bumalik sa kanilang ama, sila ay nagsabi: “o aming ama! wala ng takal ng butil ang aming makukuha (maliban na dalhin namin ang aming kapatid). Kaya’t inyong payagan na sumama sa amin ang aming kapatid na lalaki, kung magkakagayon, ay makukuha namin ang aming takal (ng mais) at katotohanang siya ay aming pangangalagaan.”
قَالَ هَلْ آمَنُكُمْ عَلَيْهِ إِلَّا كَمَا أَمِنْتُكُمْ عَلَىٰ أَخِيهِ مِنْ قَبْلُ ۖ فَاللَّهُ خَيْرٌ حَافِظًا ۖ وَهُوَ أَرْحَمُ الرَّاحِمِينَ
Siya ay nagsabi: “Ipagkakatiwala ko ba siya sa inyo, na walang masamang mangyayari sa kanya na tulad noong ipinagkatiwala ko sa inyo ang inyong kapatid (Hosep)? Datapuwa’t si Allah ang Higit na Makakapangalaga, at Siya ang Pinakamaawain sa mga nagpapamalas ng habag.”
وَلَمَّا فَتَحُوا مَتَاعَهُمْ وَجَدُوا بِضَاعَتَهُمْ رُدَّتْ إِلَيْهِمْ ۖ قَالُوا يَا أَبَانَا مَا نَبْغِي ۖ هَٰذِهِ بِضَاعَتُنَا رُدَّتْ إِلَيْنَا ۖ وَنَمِيرُ أَهْلَنَا وَنَحْفَظُ أَخَانَا وَنَزْدَادُ كَيْلَ بَعِيرٍ ۖ ذَٰلِكَ كَيْلٌ يَسِيرٌ
At nang buksan nila ang kanilang mga bag, natagpuan nila na ang kanilang salapi ay ibinalik sa kanila. Sila ay nagsabi: “o aming ama! Ano pa ba ang aming hihilingin! Narito, ang aming salapi ay ibinalik sa amin, kaya’t makakakuha kami (ng higit) pang pagkain para sa aming pamilya at mababantayan pa namin ang aming kapatid, at higit pa rito ay makapagdaragdag pa kami ng isang dami (sukat) ng karga ng kamelyo. Ang daming ito (sukat o takal) ay madali (para sa hari na ibigay).”
قَالَ لَنْ أُرْسِلَهُ مَعَكُمْ حَتَّىٰ تُؤْتُونِ مَوْثِقًا مِنَ اللَّهِ لَتَأْتُنَّنِي بِهِ إِلَّا أَنْ يُحَاطَ بِكُمْ ۖ فَلَمَّا آتَوْهُ مَوْثِقَهُمْ قَالَ اللَّهُ عَلَىٰ مَا نَقُولُ وَكِيلٌ
Siya (Hakob) ay nagsabi: “Hindi ko siya pasasamahin sa inyo malibang kayo ay manumpa sa akin ng taos pusong pagsumpa sa Ngalan ni Allah, na siya ay inyong ibabalik sa akin, malibang kayo sa inyong sarili ay mapaligiran ng mga kaaway (o mawalan ng lakas).” At nang sila ay makapanumpa na nang mataos na pagsumpa, siya ay nagsabi: “Si Allah ang Saksi sa lahat ng ating tinuran.”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
