Surah Saba Ayahs #45 Translated in Filipino
قَالُوا سُبْحَانَكَ أَنْتَ وَلِيُّنَا مِنْ دُونِهِمْ ۖ بَلْ كَانُوا يَعْبُدُونَ الْجِنَّ ۖ أَكْثَرُهُمْ بِهِمْ مُؤْمِنُونَ
Sila (mga anghel) ay magsasabi: “Ang Kaluwalhatian ay sa Inyo! Kayo ang tunay naming wali (Panginoon, Tagapangalaga, Tagapagtanggol) at hindi sila. Hindi, sila ay sumamba sa mga Jinn; ang karamihan (sa mga tao) ay naniniwala sa kanila (mga Jinn).”
فَالْيَوْمَ لَا يَمْلِكُ بَعْضُكُمْ لِبَعْضٍ نَفْعًا وَلَا ضَرًّا وَنَقُولُ لِلَّذِينَ ظَلَمُوا ذُوقُوا عَذَابَ النَّارِ الَّتِي كُنْتُمْ بِهَا تُكَذِّبُونَ
Kaya’t sa Araw na yaon (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay), walang sinuman sa inyo ang may kapangyarihan na magbigay ng kapakinabangan o kapinsalaan sa bawat isa; at Aming ipagbabadya sa mga tampalasan (alalaong baga, sila na sumamba sa iba pa tulad ng mga anghel, Jinn, propeta, banal na tao, santo, espiritu, krus, imahen, atbp. maliban pa kay Allah): “Lasapin ninyo ang kaparusahan ng Apoy na inyong itinatakwil!”
وَإِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ آيَاتُنَا بَيِّنَاتٍ قَالُوا مَا هَٰذَا إِلَّا رَجُلٌ يُرِيدُ أَنْ يَصُدَّكُمْ عَمَّا كَانَ يَعْبُدُ آبَاؤُكُمْ وَقَالُوا مَا هَٰذَا إِلَّا إِفْكٌ مُفْتَرًى ۚ وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لِلْحَقِّ لَمَّا جَاءَهُمْ إِنْ هَٰذَا إِلَّا سِحْرٌ مُبِينٌ
At kung ang Aming Maliliwanag na mga Talata ay dinadalit sa kanila, sila ay nagsasabi: “Siya (Muhammad) ay isa lamang tao na nagnanais na hadlangan kayo (sa pagsamba) sa kinagisnan ng inyong mga ninuno.” At sila ay nagsasabi: “Ito ay isa lamang kasinungalingan na kinatha!” At ang mga hindi sumasampalataya ay nagsasabi (laban) sa Katotohanan nang ito ay dumatal sa kanila (alalaong baga, si Propeta Muhammad na isinugo ni Allah sa kanila na may dalang mga katibayan, kapahayagan, tanda, aral, atbp.): “Ito ay wala ng iba maliban sa maliwanag na panlilinlang (o mahika)!”
وَمَا آتَيْنَاهُمْ مِنْ كُتُبٍ يَدْرُسُونَهَا ۖ وَمَا أَرْسَلْنَا إِلَيْهِمْ قَبْلَكَ مِنْ نَذِيرٍ
Datapuwa’t sila ay hindi Namin pinadalhan ng mga Kasulatan na kanilang mapag- aaralan, gayundin (Kami) ay hindi nagsugo sa kanila ng tagapagbabala, bago pa sa iyo (o Muhammad)
وَكَذَّبَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ وَمَا بَلَغُوا مِعْشَارَ مَا آتَيْنَاهُمْ فَكَذَّبُوا رُسُلِي ۖ فَكَيْفَ كَانَ نَكِيرِ
At sila na nauna sa kanila ay nagpasinungaling (sa katotohanan), sila ay hindi nagsitanggap maging ng ikasampung bahagi (1/10) ng mga iginawad Namin sa kanila (noong una); datapuwa’t sila ay nagpabulaan sa Aking mga Tagapagbalita, kaya’t (pagmasdan) kung gaano katindi ang Aking kaparusahan
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
