Surah Saba Ayahs #31 Translated in Filipino
قُلْ أَرُونِيَ الَّذِينَ أَلْحَقْتُمْ بِهِ شُرَكَاءَ ۖ كَلَّا ۚ بَلْ هُوَ اللَّهُ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ
Ipagbadya (o Muhammad, sa kanila na mga pagano at mapagsamba sa mga diyus-diyosan): “Ipakita ninyo sa akin, sila na inyong iniaakibat bilang mga katambal sa Kanya. Hindi, (walang anumang katambal Siya sa anumang kaparaanan)! Datapuwa’t (tanging) Siya si Allah, ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Sukdol sa Karunungan.”
وَمَا أَرْسَلْنَاكَ إِلَّا كَافَّةً لِلنَّاسِ بَشِيرًا وَنَذِيرًا وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ
At ikaw (o Muhammad) ay hindi Namin isinugo maliban na isang Tagapagbalita sa buong sangkatauhan, na magbibigay sa kanila ng masayang balita, at isang Tagapagbabala sa kanila (sa kasalanan), datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay walang kaalaman
وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا الْوَعْدُ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ
At sila ay nagsasabi: “Kailan ba (matutupad) yaong ipinangako mo sa amin (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay), kung ikaw ay nagsasabi ng katotohanan?”
قُلْ لَكُمْ مِيعَادُ يَوْمٍ لَا تَسْتَأْخِرُونَ عَنْهُ سَاعَةً وَلَا تَسْتَقْدِمُونَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Ang pakikipagtiyap sa inyo ay sa takdang Araw, na hindi ninyo maaaring iurong kahit na sa isang oras (o isang sandali lamang) at hindi rin ninyo maaaring gawin na maaga.”
وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لَنْ نُؤْمِنَ بِهَٰذَا الْقُرْآنِ وَلَا بِالَّذِي بَيْنَ يَدَيْهِ ۗ وَلَوْ تَرَىٰ إِذِ الظَّالِمُونَ مَوْقُوفُونَ عِنْدَ رَبِّهِمْ يَرْجِعُ بَعْضُهُمْ إِلَىٰ بَعْضٍ الْقَوْلَ يَقُولُ الَّذِينَ اسْتُضْعِفُوا لِلَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا لَوْلَا أَنْتُمْ لَكُنَّا مُؤْمِنِينَ
At sila na hindi sumasampalataya ay nagsasabi: “Kami ay hindi naniniwala sa Qur’an o sa anumang kasulatan na una pa rito.” Datapuwa’t kung inyong mapagmamasdan ang Zalimun (mga tampalasan, mapagsamba sa mga diyus- diyosan, mapaggawa ng kamalian, buktot, atbp.), kung sila ay haharap na sa kanilang Panginoon, kung paano sila magpapalitan ng salita (na nagsisisihan) sa isa’t isa! Sila na itinuturing na mahihina ay magsasabi sa kanila na mga palalo: “Kung hindi dahil sa inyo, sana ay naging mananampalataya kami!”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
