Surah Saba Ayahs #34 Translated in Filipino
قُلْ لَكُمْ مِيعَادُ يَوْمٍ لَا تَسْتَأْخِرُونَ عَنْهُ سَاعَةً وَلَا تَسْتَقْدِمُونَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Ang pakikipagtiyap sa inyo ay sa takdang Araw, na hindi ninyo maaaring iurong kahit na sa isang oras (o isang sandali lamang) at hindi rin ninyo maaaring gawin na maaga.”
وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لَنْ نُؤْمِنَ بِهَٰذَا الْقُرْآنِ وَلَا بِالَّذِي بَيْنَ يَدَيْهِ ۗ وَلَوْ تَرَىٰ إِذِ الظَّالِمُونَ مَوْقُوفُونَ عِنْدَ رَبِّهِمْ يَرْجِعُ بَعْضُهُمْ إِلَىٰ بَعْضٍ الْقَوْلَ يَقُولُ الَّذِينَ اسْتُضْعِفُوا لِلَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا لَوْلَا أَنْتُمْ لَكُنَّا مُؤْمِنِينَ
At sila na hindi sumasampalataya ay nagsasabi: “Kami ay hindi naniniwala sa Qur’an o sa anumang kasulatan na una pa rito.” Datapuwa’t kung inyong mapagmamasdan ang Zalimun (mga tampalasan, mapagsamba sa mga diyus- diyosan, mapaggawa ng kamalian, buktot, atbp.), kung sila ay haharap na sa kanilang Panginoon, kung paano sila magpapalitan ng salita (na nagsisisihan) sa isa’t isa! Sila na itinuturing na mahihina ay magsasabi sa kanila na mga palalo: “Kung hindi dahil sa inyo, sana ay naging mananampalataya kami!”
قَالَ الَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا لِلَّذِينَ اسْتُضْعِفُوا أَنَحْنُ صَدَدْنَاكُمْ عَنِ الْهُدَىٰ بَعْدَ إِذْ جَاءَكُمْ ۖ بَلْ كُنْتُمْ مُجْرِمِينَ
At sila na mga palalo ay magsasabi sa mga itinuturing na mahihina: “Pinigilan ba namin kayo na matanggap ang patnubay matapos na ito ay dumatal sa inyo? Hindi, datapuwa’t kayo ang Mujrimun (mapagsamba sa mga diyus-diyosan, makasalanan, kriminal, palasuway kay Allah, mapaglabag sa kautusan, atbp.).”
وَقَالَ الَّذِينَ اسْتُضْعِفُوا لِلَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا بَلْ مَكْرُ اللَّيْلِ وَالنَّهَارِ إِذْ تَأْمُرُونَنَا أَنْ نَكْفُرَ بِاللَّهِ وَنَجْعَلَ لَهُ أَنْدَادًا ۚ وَأَسَرُّوا النَّدَامَةَ لَمَّا رَأَوُا الْعَذَابَ وَجَعَلْنَا الْأَغْلَالَ فِي أَعْنَاقِ الَّذِينَ كَفَرُوا ۚ هَلْ يُجْزَوْنَ إِلَّا مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Sila na inaakalang mahihina ay magsasabi sa kanila na mga palalo: “Hindi! Datapuwa’t ito ang inyong pakana sa gabi at araw. Pagmasdan! Kayo (ang patuloy) na nag-uudyok sa amin na mawalan ng pananalig at utang na loob ng pasasalamat kay Allah at magtambal ng iba pa sa Kanya!” At ang bawat isa (sa kanilang pangkat) ay mapupuspos ng pagsisisi (sa kanilang pagsuway kay Allah sa buhay sa mundong ito), kung kanilang mamalas ang kaparusahan. Magpupulupot Kami ng kadenang bakal sa leeg ng mga hindi sumasampalataya. Ito ay kabayaran lamang sa kanilang (masasamang) gawa
وَمَا أَرْسَلْنَا فِي قَرْيَةٍ مِنْ نَذِيرٍ إِلَّا قَالَ مُتْرَفُوهَا إِنَّا بِمَا أُرْسِلْتُمْ بِهِ كَافِرُونَ
At hindi Kami nagsugo ng isang Tagapagbabala sa isang bayan, na hindi nagsabi yaong mga ginawaran ng makamundong kayamanan at karangyaan (sa buhay na ito) ng: “Hindi kami naniniwala sa (Mensahe) na ipinadala sa iyo.”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
