Surah Ibrahim Ayahs #17 Translated in Filipino
وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لِرُسُلِهِمْ لَنُخْرِجَنَّكُمْ مِنْ أَرْضِنَا أَوْ لَتَعُودُنَّ فِي مِلَّتِنَا ۖ فَأَوْحَىٰ إِلَيْهِمْ رَبُّهُمْ لَنُهْلِكَنَّ الظَّالِمِينَ
At sila na hindi sumasampalataya ay nagsabi sa kanilang mga Tagapagbalita: “Katotohanang kayo ay itataboy namin (palayo) sa aming lupain, o kayo ay magbabalik sa ating relihiyon.” Kaya’t ang kanilang Panginoon ay nagpahayag sa kanila: “Katotohanan, Aming wawasakin ang Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, mapaggawa ng kabuktutan, walang pananalig, atbp)
وَلَنُسْكِنَنَّكُمُ الْأَرْضَ مِنْ بَعْدِهِمْ ۚ ذَٰلِكَ لِمَنْ خَافَ مَقَامِي وَخَافَ وَعِيدِ
At katotohanan, Aming hahayaan kayo na manahan sa kanilang mga lupain pagkaraan nila. Ito ay para sa kanya na nakatindig ng may pagkatakot sa Aking harapan (sa Araw ng Muling Pagkabuhay o nangangamba sa Aking kaparusahan), at gayundin, ay may pangangamba sa Aking banta.”
وَاسْتَفْتَحُوا وَخَابَ كُلُّ جَبَّارٍ عَنِيدٍ
Datapuwa’t sila (ang mga Tagapagbalita) ay nanikluhod ng tagumpay at tulong (mula sa kanilang Panginoon, si Allah), at ang bawat suwail at palalong diktador (na tumatangging maniwala sa Kaisahan ni Allah) ay inihantong sa ganap na pagkalungi at pagkawasak
مِنْ وَرَائِهِ جَهَنَّمُ وَيُسْقَىٰ مِنْ مَاءٍ صَدِيدٍ
Sa harapan niya (ang bawat suwail, palalong diktador) ay Impiyerno, at siya aypaiinuminngkumukuloatnagnananangtubig
يَتَجَرَّعُهُ وَلَا يَكَادُ يُسِيغُهُ وَيَأْتِيهِ الْمَوْتُ مِنْ كُلِّ مَكَانٍ وَمَا هُوَ بِمَيِّتٍ ۖ وَمِنْ وَرَائِهِ عَذَابٌ غَلِيظٌ
Iinumin niya ito nang laban sa kanyang kalooban, at makadarama siya ng matinding kahirapan sa paglunok nito pababa sa kanyang lalamunan, at ang kamatayan ay daratal sa kanya sa bawat panig, gayunpaman, siya ay hindi mamamatay at sa harapan niya ay may matinding pagpaparusa
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
