Surah Hud Ayahs #68 Translated in Filipino
وَيَا قَوْمِ هَٰذِهِ نَاقَةُ اللَّهِ لَكُمْ آيَةً فَذَرُوهَا تَأْكُلْ فِي أَرْضِ اللَّهِ وَلَا تَمَسُّوهَا بِسُوءٍ فَيَأْخُذَكُمْ عَذَابٌ قَرِيبٌ
At aking pamayanan! Itong babaeng kamelyo ni Allah ay isang Tanda para sa inyo, at inyong hayaan siya na nanginginain sa kalupaan ni Allah at siya ay huwag ninyong saktan, kung hindi, baka ang isang napipintong kaparusahan ay sumunggab sa inyo.”
فَعَقَرُوهَا فَقَالَ تَمَتَّعُوا فِي دَارِكُمْ ثَلَاثَةَ أَيَّامٍ ۖ ذَٰلِكَ وَعْدٌ غَيْرُ مَكْذُوبٍ
Nguni’t binalda nila ang mga hita (ng babaeng kamelyo). Kaya’t siya (Salih) ay nagbadya: “Magpakasaya kayo sa inyong mga tahanan sa loob ng tatlong araw. Ito ay isang pangako (alalaong baga, isang banta), na hindi mapapasinungalingan.”
فَلَمَّا جَاءَ أَمْرُنَا نَجَّيْنَا صَالِحًا وَالَّذِينَ آمَنُوا مَعَهُ بِرَحْمَةٍ مِنَّا وَمِنْ خِزْيِ يَوْمِئِذٍ ۗ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ الْقَوِيُّ الْعَزِيزُ
Kaya’t nang ang Aming Pag-uutos ay dumatal, iniligtas Namin si Salih at ang nagsipaniwala sa kanya sa pamamagitan ng Habag mula sa Amin at sa kahihiyan sa Araw na yaon. Katotohanan, ang iyong Panginoon, Siya ang Tanging Ganap na Malakas, ang Lubos na Makapangyarihan
وَأَخَذَ الَّذِينَ ظَلَمُوا الصَّيْحَةُ فَأَصْبَحُوا فِي دِيَارِهِمْ جَاثِمِينَ
At ang Nakakasindak na Tawag ay umabot sa mga buktot, kaya’t sila ay nakahandusay na patay, na nakalugmok sa kanilang mga tahanan
كَأَنْ لَمْ يَغْنَوْا فِيهَا ۗ أَلَا إِنَّ ثَمُودَ كَفَرُوا رَبَّهُمْ ۗ أَلَا بُعْدًا لِثَمُودَ
Na wari bang sila ay hindi nanirahan doon. Walang alinlangan! Katotohanang si Thamud ay hindi nanampalataya sa kanilang Panginoon. Kaya’t layuan si Thamud
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
