Quran Apps in many lanuages:

Surah Hud Ayahs #70 Translated in Filipino

فَلَمَّا جَاءَ أَمْرُنَا نَجَّيْنَا صَالِحًا وَالَّذِينَ آمَنُوا مَعَهُ بِرَحْمَةٍ مِنَّا وَمِنْ خِزْيِ يَوْمِئِذٍ ۗ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ الْقَوِيُّ الْعَزِيزُ
Kaya’t nang ang Aming Pag-uutos ay dumatal, iniligtas Namin si Salih at ang nagsipaniwala sa kanya sa pamamagitan ng Habag mula sa Amin at sa kahihiyan sa Araw na yaon. Katotohanan, ang iyong Panginoon, Siya ang Tanging Ganap na Malakas, ang Lubos na Makapangyarihan
وَأَخَذَ الَّذِينَ ظَلَمُوا الصَّيْحَةُ فَأَصْبَحُوا فِي دِيَارِهِمْ جَاثِمِينَ
At ang Nakakasindak na Tawag ay umabot sa mga buktot, kaya’t sila ay nakahandusay na patay, na nakalugmok sa kanilang mga tahanan
كَأَنْ لَمْ يَغْنَوْا فِيهَا ۗ أَلَا إِنَّ ثَمُودَ كَفَرُوا رَبَّهُمْ ۗ أَلَا بُعْدًا لِثَمُودَ
Na wari bang sila ay hindi nanirahan doon. Walang alinlangan! Katotohanang si Thamud ay hindi nanampalataya sa kanilang Panginoon. Kaya’t layuan si Thamud
وَلَقَدْ جَاءَتْ رُسُلُنَا إِبْرَاهِيمَ بِالْبُشْرَىٰ قَالُوا سَلَامًا ۖ قَالَ سَلَامٌ ۖ فَمَا لَبِثَ أَنْ جَاءَ بِعِجْلٍ حَنِيذٍ
At katotohanang may dumatal kay Abraham na mga Tagapagbalita (mga Anghel) mula sa Amin na may magandang balita. Sila ay nagsibati ng Salam (Kapayapaan!). Siya ay tumugon, Salam (Kapayapaan!), at nag-aapura siya sa pag-aasikaso sa kanila sa paghahanda ng litsong baka
فَلَمَّا رَأَىٰ أَيْدِيَهُمْ لَا تَصِلُ إِلَيْهِ نَكِرَهُمْ وَأَوْجَسَ مِنْهُمْ خِيفَةً ۚ قَالُوا لَا تَخَفْ إِنَّا أُرْسِلْنَا إِلَىٰ قَوْمِ لُوطٍ
Datapuwa’t nang mamasdan niya na ang kanilang mga kamay ay hindi bumabaon (sa pagkain), siya ay nakadama ng pag-aalinlangan sa kanila, at siya ay nagkaroon ng pangangamba. Sila ay nagsabi: “Huwag kang matakot, kami ay isinugo laban sa mga tao ni Lut.”

Choose other languages: