Quran Apps in many lanuages:

Surah Hud Ayahs #72 Translated in Filipino

كَأَنْ لَمْ يَغْنَوْا فِيهَا ۗ أَلَا إِنَّ ثَمُودَ كَفَرُوا رَبَّهُمْ ۗ أَلَا بُعْدًا لِثَمُودَ
Na wari bang sila ay hindi nanirahan doon. Walang alinlangan! Katotohanang si Thamud ay hindi nanampalataya sa kanilang Panginoon. Kaya’t layuan si Thamud
وَلَقَدْ جَاءَتْ رُسُلُنَا إِبْرَاهِيمَ بِالْبُشْرَىٰ قَالُوا سَلَامًا ۖ قَالَ سَلَامٌ ۖ فَمَا لَبِثَ أَنْ جَاءَ بِعِجْلٍ حَنِيذٍ
At katotohanang may dumatal kay Abraham na mga Tagapagbalita (mga Anghel) mula sa Amin na may magandang balita. Sila ay nagsibati ng Salam (Kapayapaan!). Siya ay tumugon, Salam (Kapayapaan!), at nag-aapura siya sa pag-aasikaso sa kanila sa paghahanda ng litsong baka
فَلَمَّا رَأَىٰ أَيْدِيَهُمْ لَا تَصِلُ إِلَيْهِ نَكِرَهُمْ وَأَوْجَسَ مِنْهُمْ خِيفَةً ۚ قَالُوا لَا تَخَفْ إِنَّا أُرْسِلْنَا إِلَىٰ قَوْمِ لُوطٍ
Datapuwa’t nang mamasdan niya na ang kanilang mga kamay ay hindi bumabaon (sa pagkain), siya ay nakadama ng pag-aalinlangan sa kanila, at siya ay nagkaroon ng pangangamba. Sila ay nagsabi: “Huwag kang matakot, kami ay isinugo laban sa mga tao ni Lut.”
وَامْرَأَتُهُ قَائِمَةٌ فَضَحِكَتْ فَبَشَّرْنَاهَا بِإِسْحَاقَ وَمِنْ وَرَاءِ إِسْحَاقَ يَعْقُوبَ
At ang kanyang asawa ay nakatindig dito, at siya ay natawa (maaaring dahil sa ang mga Tagapagbalita ay hindi kumain sa kanilang pagkain o siya ay nasiyahan nang malamang mawawasak ang mga tao ni Lut); datapuwa’t inihatid Namin sa kanya ang magandang balita ni Isaac, at pagkaraan niya, ay ni Hakob
قَالَتْ يَا وَيْلَتَىٰ أَأَلِدُ وَأَنَا عَجُوزٌ وَهَٰذَا بَعْلِي شَيْخًا ۖ إِنَّ هَٰذَا لَشَيْءٌ عَجِيبٌ
Siya (ang asawa ni Abraham) ay nagsabi (ng may pagkamangha): “Sa aba ko! Ako baga ay magdadalangtao pa gayong ako ay isa ng matandang babae, at narito ang aking asawa, isang matandang lalaki? Katotohanan! Ito ay isang kataka-takang bagay!”

Choose other languages: