Quran Apps in many lanuages:

Surah Hud Ayahs #109 Translated in Filipino

يَوْمَ يَأْتِ لَا تَكَلَّمُ نَفْسٌ إِلَّا بِإِذْنِهِ ۚ فَمِنْهُمْ شَقِيٌّ وَسَعِيدٌ
Sa Araw na ito ay dumating, walang tao ang makakapangusap malibang pahintulutan (ni Allah). Ang iba sa kanila ay mga sawingpalad at ang iba ay mga pinagpala
فَأَمَّا الَّذِينَ شَقُوا فَفِي النَّارِ لَهُمْ فِيهَا زَفِيرٌ وَشَهِيقٌ
At sa mga sawingpalad, sila ay nasa Apoy, na bumubuntong hininga sa mataas at mababang tunog
خَالِدِينَ فِيهَا مَا دَامَتِ السَّمَاوَاتُ وَالْأَرْضُ إِلَّا مَا شَاءَ رَبُّكَ ۚ إِنَّ رَبَّكَ فَعَّالٌ لِمَا يُرِيدُ
Sila ay mananahan dito sa lahat nang panahon na ang mga kalangitan at kalupaan ay nananatili, malibang naisin ng inyong Panginoon. Katotohanan, ang inyong Panginoon ang tagagawa ng Kanyang maibigan
وَأَمَّا الَّذِينَ سُعِدُوا فَفِي الْجَنَّةِ خَالِدِينَ فِيهَا مَا دَامَتِ السَّمَاوَاتُ وَالْأَرْضُ إِلَّا مَا شَاءَ رَبُّكَ ۖ عَطَاءً غَيْرَ مَجْذُوذٍ
At sa mga pinagpala, sila ay nasa loob ng Paraiso, at mananahan dito sa lahat ng panahon na ang mga kalangitan at kalupaan ay nananatili, malibang naisin ng inyong Panginoon, isang gantimpala na walang hanggan
فَلَا تَكُ فِي مِرْيَةٍ مِمَّا يَعْبُدُ هَٰؤُلَاءِ ۚ مَا يَعْبُدُونَ إِلَّا كَمَا يَعْبُدُ آبَاؤُهُمْ مِنْ قَبْلُ ۚ وَإِنَّا لَمُوَفُّوهُمْ نَصِيبَهُمْ غَيْرَ مَنْقُوصٍ
Kaya’t huwag kang mag- alinlangan (o Muhammad) sa mga bagay na sinasamba ng mga mapagsamba sa diyus-diyosan (mga pagano). wala silang sinasamba maliban sa mga sinamba ng kanilang mga ninuno noon pang una. At katotohanan, ganap Naming babayaran sa kanila ang kanilang bahagi nang walang bawas

Choose other languages: