Quran Apps in many lanuages:

Surah Az-Zamar Ayahs #11 Translated in Filipino

إِنْ تَكْفُرُوا فَإِنَّ اللَّهَ غَنِيٌّ عَنْكُمْ ۖ وَلَا يَرْضَىٰ لِعِبَادِهِ الْكُفْرَ ۖ وَإِنْ تَشْكُرُوا يَرْضَهُ لَكُمْ ۗ وَلَا تَزِرُ وَازِرَةٌ وِزْرَ أُخْرَىٰ ۗ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّكُمْ مَرْجِعُكُمْ فَيُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ ۚ إِنَّهُ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ
Kung inyong itatakwil (si Allah), katotohanang si Allah ay hindi nangangailangan sa inyo; datapuwa’t hindi Niya naiibigan ang kawalan ng pasasalamat sa Kanyang mga alipin. Kung kayo ay may loob ng pasasalamat (sa pamamagitan ng pananampalataya), Siya ay nalulugod sa inyo. walang sinumang may dala ng pasanin (kasalanan) ang maaaring magdala ng pasanin (kasalanan) ng iba. Sa huli, sa inyong Panginoon ang inyong pagbabalik, at Kanyang sasabihin sa inyo kung ano ang inyong ginawa (sa buhay na ito). Sapagkat katotohanang ganap Niyang talastas ang lahat ng nasa puso (ng mga tao)
وَإِذَا مَسَّ الْإِنْسَانَ ضُرٌّ دَعَا رَبَّهُ مُنِيبًا إِلَيْهِ ثُمَّ إِذَا خَوَّلَهُ نِعْمَةً مِنْهُ نَسِيَ مَا كَانَ يَدْعُو إِلَيْهِ مِنْ قَبْلُ وَجَعَلَ لِلَّهِ أَنْدَادًا لِيُضِلَّ عَنْ سَبِيلِهِ ۚ قُلْ تَمَتَّعْ بِكُفْرِكَ قَلِيلًا ۖ إِنَّكَ مِنْ أَصْحَابِ النَّارِ
Kung ang ilang kaguluhan ay dumatal sa tao, siya ay naninikluhod sa kanyang Panginoon, at bumabaling sa Kanya sa pagsisisi; datapuwa’t kung maigawad na Niya ang Kanyang paglingap sa kanya mula sa Kanyang Sarili ay nakakalimutan na niya ang kanyang ipinanikluhod noong una, at siya ay nagtatambal ng iba pa (sa pagsamba) kay Allah, upang iligaw ang iba sa Kanyang Tuwid na Landas. Ipagbadya: “Magpakaligaya kayo sa inyong kawalan ng pananampalataya sa maigsing sandali (lamang); katotohanang ikaw ay (isa) sa mga magsisipanahan saApoy!”
أَمَّنْ هُوَ قَانِتٌ آنَاءَ اللَّيْلِ سَاجِدًا وَقَائِمًا يَحْذَرُ الْآخِرَةَ وَيَرْجُو رَحْمَةَ رَبِّهِ ۗ قُلْ هَلْ يَسْتَوِي الَّذِينَ يَعْلَمُونَ وَالَّذِينَ لَا يَعْلَمُونَ ۗ إِنَّمَا يَتَذَكَّرُ أُولُو الْأَلْبَابِ
Siya kaya na masunurin kay Allah, na nagpapatirapa sa kanyang sarili o nakatindig (sa pagdarasal) sa mga oras ng gabi, na nangangamba sa Kabilang Buhay at umaasa sa Habag ng kanyang Panginoon (ay katulad ng isa na hindi nananampalataya)? Ipagbadya: “Sila kaya na may kaalaman ay katulad nila na walang kaalaman? Sila lamang na mga tao na may pang-unawa ang tatanggap ng paala-ala (alalaong baga, ang makakakuha ng aral sa mga Tanda at Talata ni Allah)
قُلْ يَا عِبَادِ الَّذِينَ آمَنُوا اتَّقُوا رَبَّكُمْ ۚ لِلَّذِينَ أَحْسَنُوا فِي هَٰذِهِ الدُّنْيَا حَسَنَةٌ ۗ وَأَرْضُ اللَّهِ وَاسِعَةٌ ۗ إِنَّمَا يُوَفَّى الصَّابِرُونَ أَجْرَهُمْ بِغَيْرِ حِسَابٍ
Ipagbadya (o Muhammad): “o kayo, na Aking (Allah) mga alipin na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam), pangambahan ang inyong Panginoon (Allah) at panatilihin ang inyong tungkulin sa Kanya. Kabutihan (ang gantimpala) sa mga gumagawa ng kabutihan sa mundong ito, at ang kalupaan ni Allah ay malawak (kaya’t kung kayo ay hindi makasamba kay Allah sa isang pook, kung gayon, ay lumipat sa iba)! Sila lamang na matitiyaga ang tatanggap nang ganap ng kanilang gantimpala na hindi masusukat.”
قُلْ إِنِّي أُمِرْتُ أَنْ أَعْبُدَ اللَّهَ مُخْلِصًا لَهُ الدِّينَ
Ipagbadya (O Muhammad): “Katotohanang ako ay pinag-utusan na sumamba lamang kay Allah (sa pamamagitan nang pagsunod sa Kanya at paggawa ng mga gawang pananampalataya ng may katapatan tungo sa Kapakanan ni Allah at hindi isang pagpapakita lamang at huwag mag-akibat ng anumang katambal sa Kanya sa pagsamba).”

Choose other languages: