Quran Apps in many lanuages:

Surah Az-Zamar Ayahs #14 Translated in Filipino

قُلْ يَا عِبَادِ الَّذِينَ آمَنُوا اتَّقُوا رَبَّكُمْ ۚ لِلَّذِينَ أَحْسَنُوا فِي هَٰذِهِ الدُّنْيَا حَسَنَةٌ ۗ وَأَرْضُ اللَّهِ وَاسِعَةٌ ۗ إِنَّمَا يُوَفَّى الصَّابِرُونَ أَجْرَهُمْ بِغَيْرِ حِسَابٍ
Ipagbadya (o Muhammad): “o kayo, na Aking (Allah) mga alipin na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam), pangambahan ang inyong Panginoon (Allah) at panatilihin ang inyong tungkulin sa Kanya. Kabutihan (ang gantimpala) sa mga gumagawa ng kabutihan sa mundong ito, at ang kalupaan ni Allah ay malawak (kaya’t kung kayo ay hindi makasamba kay Allah sa isang pook, kung gayon, ay lumipat sa iba)! Sila lamang na matitiyaga ang tatanggap nang ganap ng kanilang gantimpala na hindi masusukat.”
قُلْ إِنِّي أُمِرْتُ أَنْ أَعْبُدَ اللَّهَ مُخْلِصًا لَهُ الدِّينَ
Ipagbadya (O Muhammad): “Katotohanang ako ay pinag-utusan na sumamba lamang kay Allah (sa pamamagitan nang pagsunod sa Kanya at paggawa ng mga gawang pananampalataya ng may katapatan tungo sa Kapakanan ni Allah at hindi isang pagpapakita lamang at huwag mag-akibat ng anumang katambal sa Kanya sa pagsamba).”
وَأُمِرْتُ لِأَنْ أَكُونَ أَوَّلَ الْمُسْلِمِينَ
At ako ay pinag-utusan na manguna sa mga nagsusuko ng kanilang sarili kay Allah (sa Islam) bilang mga Muslim
قُلْ إِنِّي أَخَافُ إِنْ عَصَيْتُ رَبِّي عَذَابَ يَوْمٍ عَظِيمٍ
Ipagbadya (O Muhammad): “Katotohanang ako ay nangangamba kung ako ay susuway sa aking Panginoon, (at) sa Kaparusahan ng Dakilang Araw.”
قُلِ اللَّهَ أَعْبُدُ مُخْلِصًا لَهُ دِينِي
Ipagbadya (o Muhammad): “Si Allah lamang ang aking pinaglilingkuran, ng aking matapat (at natatanging) debosyon (pagiging matimtiman)

Choose other languages: