Quran Apps in many lanuages:

Surah Az-Zamar Ayahs #17 Translated in Filipino

قُلْ إِنِّي أَخَافُ إِنْ عَصَيْتُ رَبِّي عَذَابَ يَوْمٍ عَظِيمٍ
Ipagbadya (O Muhammad): “Katotohanang ako ay nangangamba kung ako ay susuway sa aking Panginoon, (at) sa Kaparusahan ng Dakilang Araw.”
قُلِ اللَّهَ أَعْبُدُ مُخْلِصًا لَهُ دِينِي
Ipagbadya (o Muhammad): “Si Allah lamang ang aking pinaglilingkuran, ng aking matapat (at natatanging) debosyon (pagiging matimtiman)
فَاعْبُدُوا مَا شِئْتُمْ مِنْ دُونِهِ ۗ قُلْ إِنَّ الْخَاسِرِينَ الَّذِينَ خَسِرُوا أَنْفُسَهُمْ وَأَهْلِيهِمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۗ أَلَا ذَٰلِكَ هُوَ الْخُسْرَانُ الْمُبِينُ
Maglingkod kayo kung sino ang nais ninyo maliban pa sa Kanya.” Ipagbadya (O Muhammad): “Katotohanan, ang mga talunan ay sila na nagpalungi sa kanilang sariling kaluluwa at sa kanilang pamilya sa Araw ng Muling Pagkabuhay.” Katotohanan, ito ang nagliliwanag na pagkatalo
لَهُمْ مِنْ فَوْقِهِمْ ظُلَلٌ مِنَ النَّارِ وَمِنْ تَحْتِهِمْ ظُلَلٌ ۚ ذَٰلِكَ يُخَوِّفُ اللَّهُ بِهِ عِبَادَهُ ۚ يَا عِبَادِ فَاتَّقُونِ
Sila ay natatakpan ng Apoy sa kanilang itaas at nasasapnan ng Apoy sa kanilang ibaba; sa ganito ay binabalaan ni Allah ang Kanyang mga tagapaglingkod: “O aking mga alipin! Kung gayon, inyong pangambahan Ako!”
وَالَّذِينَ اجْتَنَبُوا الطَّاغُوتَ أَنْ يَعْبُدُوهَا وَأَنَابُوا إِلَى اللَّهِ لَهُمُ الْبُشْرَىٰ ۚ فَبَشِّرْ عِبَادِ
At sa mga umiiwas sa Taghut (mga huwad na diyus- diyosan) sa pamamagitan ng hindi pagsamba sa kanila, at bumabaling kay Allah sa pagsisisi; sasakanila ang magandang balita; kaya’t (iyong) ipahayag ang magandang balita sa Aking mga alipin

Choose other languages: