Surah Az-Zamar Ayahs #18 Translated in Filipino
قُلِ اللَّهَ أَعْبُدُ مُخْلِصًا لَهُ دِينِي
Ipagbadya (o Muhammad): “Si Allah lamang ang aking pinaglilingkuran, ng aking matapat (at natatanging) debosyon (pagiging matimtiman)
فَاعْبُدُوا مَا شِئْتُمْ مِنْ دُونِهِ ۗ قُلْ إِنَّ الْخَاسِرِينَ الَّذِينَ خَسِرُوا أَنْفُسَهُمْ وَأَهْلِيهِمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۗ أَلَا ذَٰلِكَ هُوَ الْخُسْرَانُ الْمُبِينُ
Maglingkod kayo kung sino ang nais ninyo maliban pa sa Kanya.” Ipagbadya (O Muhammad): “Katotohanan, ang mga talunan ay sila na nagpalungi sa kanilang sariling kaluluwa at sa kanilang pamilya sa Araw ng Muling Pagkabuhay.” Katotohanan, ito ang nagliliwanag na pagkatalo
لَهُمْ مِنْ فَوْقِهِمْ ظُلَلٌ مِنَ النَّارِ وَمِنْ تَحْتِهِمْ ظُلَلٌ ۚ ذَٰلِكَ يُخَوِّفُ اللَّهُ بِهِ عِبَادَهُ ۚ يَا عِبَادِ فَاتَّقُونِ
Sila ay natatakpan ng Apoy sa kanilang itaas at nasasapnan ng Apoy sa kanilang ibaba; sa ganito ay binabalaan ni Allah ang Kanyang mga tagapaglingkod: “O aking mga alipin! Kung gayon, inyong pangambahan Ako!”
وَالَّذِينَ اجْتَنَبُوا الطَّاغُوتَ أَنْ يَعْبُدُوهَا وَأَنَابُوا إِلَى اللَّهِ لَهُمُ الْبُشْرَىٰ ۚ فَبَشِّرْ عِبَادِ
At sa mga umiiwas sa Taghut (mga huwad na diyus- diyosan) sa pamamagitan ng hindi pagsamba sa kanila, at bumabaling kay Allah sa pagsisisi; sasakanila ang magandang balita; kaya’t (iyong) ipahayag ang magandang balita sa Aking mga alipin
الَّذِينَ يَسْتَمِعُونَ الْقَوْلَ فَيَتَّبِعُونَ أَحْسَنَهُ ۚ أُولَٰئِكَ الَّذِينَ هَدَاهُمُ اللَّهُ ۖ وَأُولَٰئِكَ هُمْ أُولُو الْأَلْبَابِ
Sila na nakikinig sa Salita (mabuting payo, La ilaha ill Allah [Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah], sa Kaisahan ni Allah, sa Islam, atbp.), at sumusunod sa pinakamainam dito (tulad ng pagsamba lamang kay Allah at pag-iwas sa Taghut [mga diyus-diyosan]); sila ang mga pinatnubayan ni Allah at sila ang (mga tao) na may pang-unawa
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
