Quran Apps in many lanuages:

Surah Az-Zamar Ayahs #71 Translated in Filipino

وَمَا قَدَرُوا اللَّهَ حَقَّ قَدْرِهِ وَالْأَرْضُ جَمِيعًا قَبْضَتُهُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ وَالسَّمَاوَاتُ مَطْوِيَّاتٌ بِيَمِينِهِ ۚ سُبْحَانَهُ وَتَعَالَىٰ عَمَّا يُشْرِكُونَ
Hindi sila nagbigay ng makatuwirang pagtuturing kay Allah na nalalaan sa Kanya. Sa Araw ng Muling Pagkabuhay, ang buong kalupaan ay isang dakot lamang ng Kanyang Kamay, at ang kalangitan ay gugulong sa Kanyang kanang Kamay. Luwalhatiin Siya! Higit Siyang mataas sa lahat ng mgaitinatambalsa Kanya
وَنُفِخَ فِي الصُّورِ فَصَعِقَ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَمَنْ فِي الْأَرْضِ إِلَّا مَنْ شَاءَ اللَّهُ ۖ ثُمَّ نُفِخَ فِيهِ أُخْرَىٰ فَإِذَا هُمْ قِيَامٌ يَنْظُرُونَ
AtangTambuli aypatutunugin, at ang lahat ng nasa kalangitan at kalupaan ay hihimatayin, maliban sa kanya na pinili ni Allah. Hindi magtatagal, ang pangalawang pagtunog ay gagawin, at pagmasdan, sila ay magsisitindig at magsisitanaw (sa paghihintay)
وَأَشْرَقَتِ الْأَرْضُ بِنُورِ رَبِّهَا وَوُضِعَ الْكِتَابُ وَجِيءَ بِالنَّبِيِّينَ وَالشُّهَدَاءِ وَقُضِيَ بَيْنَهُمْ بِالْحَقِّ وَهُمْ لَا يُظْلَمُونَ
At ang kalupaan ay magluluningning mula sa liwanag ng kanyang Panginoon (si Allah, sa Kanyang pagparito upang hatulan ang sangkatauhan). Ang Talaan (ng mga gawa) ay ipapatong nang nakabukas. Ang mga propeta at mga saksi ay itatanghal sa harapan at ang makatarungang pagpapasya ay ipagbabadya sa kanila; at sila ay hindi malalapatan ng kahit na anumang katiting na kamalian (kawalang katarungan)
وَوُفِّيَتْ كُلُّ نَفْسٍ مَا عَمِلَتْ وَهُوَ أَعْلَمُ بِمَا يَفْعَلُونَ
At ang bawat tao (kaluluwa) ay babayaran nang ganap (sa naging bunga) ng kanyang mga gawa; at si Allah ang Ganap na Nakakaalam ng lahat nilang ginagawa
وَسِيقَ الَّذِينَ كَفَرُوا إِلَىٰ جَهَنَّمَ زُمَرًا ۖ حَتَّىٰ إِذَا جَاءُوهَا فُتِحَتْ أَبْوَابُهَا وَقَالَ لَهُمْ خَزَنَتُهَا أَلَمْ يَأْتِكُمْ رُسُلٌ مِنْكُمْ يَتْلُونَ عَلَيْكُمْ آيَاتِ رَبِّكُمْ وَيُنْذِرُونَكُمْ لِقَاءَ يَوْمِكُمْ هَٰذَا ۚ قَالُوا بَلَىٰ وَلَٰكِنْ حَقَّتْ كَلِمَةُ الْعَذَابِ عَلَى الْكَافِرِينَ
Ang mga hindi sumasampalataya ay itataboy sa Impiyerno sa mga pangkat, hanggang nang kanilang marating ito, ang mga tarangkahan nito ay biglang bubukas (na katulad ng isang bilangguan sa pagdating ng mga bilanggo), at ang kanyang mga tagapagbantay ay magsasabi: “Hindi baga dumatal sa inyo ang mga Tagapagbalita na mula sa lipon ninyo na dumadalit sa inyo ng mga Talata ng inyong Panginoon at nagbababala sa inyo ng inyong pakikipagtipan sa Araw na ito? Sila ay magsasabi: “Tunay nga, datapuwa’t ang salita ng Kaparusahan ay ginawang makatarungan laban sa mga walang panananampalataya!”

Choose other languages: