Surah Az-Zamar Ayahs #74 Translated in Filipino
وَوُفِّيَتْ كُلُّ نَفْسٍ مَا عَمِلَتْ وَهُوَ أَعْلَمُ بِمَا يَفْعَلُونَ
At ang bawat tao (kaluluwa) ay babayaran nang ganap (sa naging bunga) ng kanyang mga gawa; at si Allah ang Ganap na Nakakaalam ng lahat nilang ginagawa
وَسِيقَ الَّذِينَ كَفَرُوا إِلَىٰ جَهَنَّمَ زُمَرًا ۖ حَتَّىٰ إِذَا جَاءُوهَا فُتِحَتْ أَبْوَابُهَا وَقَالَ لَهُمْ خَزَنَتُهَا أَلَمْ يَأْتِكُمْ رُسُلٌ مِنْكُمْ يَتْلُونَ عَلَيْكُمْ آيَاتِ رَبِّكُمْ وَيُنْذِرُونَكُمْ لِقَاءَ يَوْمِكُمْ هَٰذَا ۚ قَالُوا بَلَىٰ وَلَٰكِنْ حَقَّتْ كَلِمَةُ الْعَذَابِ عَلَى الْكَافِرِينَ
Ang mga hindi sumasampalataya ay itataboy sa Impiyerno sa mga pangkat, hanggang nang kanilang marating ito, ang mga tarangkahan nito ay biglang bubukas (na katulad ng isang bilangguan sa pagdating ng mga bilanggo), at ang kanyang mga tagapagbantay ay magsasabi: “Hindi baga dumatal sa inyo ang mga Tagapagbalita na mula sa lipon ninyo na dumadalit sa inyo ng mga Talata ng inyong Panginoon at nagbababala sa inyo ng inyong pakikipagtipan sa Araw na ito? Sila ay magsasabi: “Tunay nga, datapuwa’t ang salita ng Kaparusahan ay ginawang makatarungan laban sa mga walang panananampalataya!”
قِيلَ ادْخُلُوا أَبْوَابَ جَهَنَّمَ خَالِدِينَ فِيهَا ۖ فَبِئْسَ مَثْوَى الْمُتَكَبِّرِينَ
Sa kanila ay ipagbabadya: “Magsipasok kayo sa mga tarangkahan ng Impiyerno upang manahan dito. At katotohanang ito ay masamang tirahan sa mga mapagpaimbabaw!”
وَسِيقَ الَّذِينَ اتَّقَوْا رَبَّهُمْ إِلَى الْجَنَّةِ زُمَرًا ۖ حَتَّىٰ إِذَا جَاءُوهَا وَفُتِحَتْ أَبْوَابُهَا وَقَالَ لَهُمْ خَزَنَتُهَا سَلَامٌ عَلَيْكُمْ طِبْتُمْ فَادْخُلُوهَا خَالِدِينَ
At sila na may pagkatakot sa kanilang Panginoon ay aakayin sa Halamanan (Paraiso) sa mga pangkat, hanggang nang kanilang sapitin at mamasdan ito, ang kanyang mga tarangkahan ay ibubukas (bago ang kanilang pagpasok sa pagtanggap sa kanila), at ang tagapagbantay nito ay mangungusap: “Salamun Alaikum (Ang kapayapaan ay sumainyo)! Nagsigawa kayo ng kagalingan, kaya’t magsituloy kayo upang dito manirahan.”
وَقَالُوا الْحَمْدُ لِلَّهِ الَّذِي صَدَقَنَا وَعْدَهُ وَأَوْرَثَنَا الْأَرْضَ نَتَبَوَّأُ مِنَ الْجَنَّةِ حَيْثُ نَشَاءُ ۖ فَنِعْمَ أَجْرُ الْعَامِلِينَ
At sila ay mangungusap: “Ang lahat ng pagluwalhati at pasasalamat ay kay Allah, na katotohanang tumupad sa Kanyang pangako sa amin at naggawad sa amin ng lupang ito bilang pamana. Kami ay makakapanirahan sa Paraiso saan man namin naisin. Pagmalasin kung gaano kainam ang gantimpala sa mga (matimtiman) na nagsigawa ng kabutihan!”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
