Surah Az-Zamar Ayahs #70 Translated in Filipino
بَلِ اللَّهَ فَاعْبُدْ وَكُنْ مِنَ الشَّاكِرِينَ
Hindi, datapuwa’t sambahin (lamang) ninyo si Allah, at nang kayo ay mapabilang sa mga nagbibigay ng pasasalamat
وَمَا قَدَرُوا اللَّهَ حَقَّ قَدْرِهِ وَالْأَرْضُ جَمِيعًا قَبْضَتُهُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ وَالسَّمَاوَاتُ مَطْوِيَّاتٌ بِيَمِينِهِ ۚ سُبْحَانَهُ وَتَعَالَىٰ عَمَّا يُشْرِكُونَ
Hindi sila nagbigay ng makatuwirang pagtuturing kay Allah na nalalaan sa Kanya. Sa Araw ng Muling Pagkabuhay, ang buong kalupaan ay isang dakot lamang ng Kanyang Kamay, at ang kalangitan ay gugulong sa Kanyang kanang Kamay. Luwalhatiin Siya! Higit Siyang mataas sa lahat ng mgaitinatambalsa Kanya
وَنُفِخَ فِي الصُّورِ فَصَعِقَ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَمَنْ فِي الْأَرْضِ إِلَّا مَنْ شَاءَ اللَّهُ ۖ ثُمَّ نُفِخَ فِيهِ أُخْرَىٰ فَإِذَا هُمْ قِيَامٌ يَنْظُرُونَ
AtangTambuli aypatutunugin, at ang lahat ng nasa kalangitan at kalupaan ay hihimatayin, maliban sa kanya na pinili ni Allah. Hindi magtatagal, ang pangalawang pagtunog ay gagawin, at pagmasdan, sila ay magsisitindig at magsisitanaw (sa paghihintay)
وَأَشْرَقَتِ الْأَرْضُ بِنُورِ رَبِّهَا وَوُضِعَ الْكِتَابُ وَجِيءَ بِالنَّبِيِّينَ وَالشُّهَدَاءِ وَقُضِيَ بَيْنَهُمْ بِالْحَقِّ وَهُمْ لَا يُظْلَمُونَ
At ang kalupaan ay magluluningning mula sa liwanag ng kanyang Panginoon (si Allah, sa Kanyang pagparito upang hatulan ang sangkatauhan). Ang Talaan (ng mga gawa) ay ipapatong nang nakabukas. Ang mga propeta at mga saksi ay itatanghal sa harapan at ang makatarungang pagpapasya ay ipagbabadya sa kanila; at sila ay hindi malalapatan ng kahit na anumang katiting na kamalian (kawalang katarungan)
وَوُفِّيَتْ كُلُّ نَفْسٍ مَا عَمِلَتْ وَهُوَ أَعْلَمُ بِمَا يَفْعَلُونَ
At ang bawat tao (kaluluwa) ay babayaran nang ganap (sa naging bunga) ng kanyang mga gawa; at si Allah ang Ganap na Nakakaalam ng lahat nilang ginagawa
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
