Surah At-Tawba Ayahs #96 Translated in Filipino
وَلَا عَلَى الَّذِينَ إِذَا مَا أَتَوْكَ لِتَحْمِلَهُمْ قُلْتَ لَا أَجِدُ مَا أَحْمِلُكُمْ عَلَيْهِ تَوَلَّوْا وَأَعْيُنُهُمْ تَفِيضُ مِنَ الدَّمْعِ حَزَنًا أَلَّا يَجِدُوا مَا يُنْفِقُونَ
Gayundin (ay walang kasalanan) sa kanila na lumapit sa iyo upang mabigyan ng dalahin, at nang iyong sinabi: “Hindi ako makakita ng dalahin para sa inyo,” sila ay lumisan na ang kanilang mga mata ay tigmak sa luha ng pagdadalamhati dahilan sa sila ay hindi makasumpong ng anuman upang gugulin (sa Jihad [banal na digmaan)
إِنَّمَا السَّبِيلُ عَلَى الَّذِينَ يَسْتَأْذِنُونَكَ وَهُمْ أَغْنِيَاءُ ۚ رَضُوا بِأَنْ يَكُونُوا مَعَ الْخَوَالِفِ وَطَبَعَ اللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ فَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ
Ang batayan (ng hinaing) ay tanging laban lamang sa mga mayayaman, na gayunpaman ay humihiling na hindi maging saklaw. Sila ay nasisiyahan na kasama ang kababaihan na nakaupo at naiwan (sa kanilang tahanan), at si Allah ay naglagay ng sagka sa kanilang puso (sa lahat ng uri ng kabutihan at tuwid na patnubay), upang hindi nila maalaman (kung ano ang natatalo [nagpapalungi] sa kanila
يَعْتَذِرُونَ إِلَيْكُمْ إِذَا رَجَعْتُمْ إِلَيْهِمْ ۚ قُلْ لَا تَعْتَذِرُوا لَنْ نُؤْمِنَ لَكُمْ قَدْ نَبَّأَنَا اللَّهُ مِنْ أَخْبَارِكُمْ ۚ وَسَيَرَى اللَّهُ عَمَلَكُمْ وَرَسُولُهُ ثُمَّ تُرَدُّونَ إِلَىٰ عَالِمِ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِ فَيُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ
Sila na (mapagkunwari) ay maglalantad ng kanilang mga dahilan sa inyo (mga Muslim), kung kayo ay magbalik sa kanila. Ipagbadya (O Muhammad): “Huwag kayong magbigay ng mga dahilan, kami ay hindi maniniwala sa inyo. Tunay na ipinaalam ni Allah sa amin ang balita tungkol sa inyo. Si Allah at ang Kanyang Tagapagbalita ay magmamasid ng inyong mga gawa. At sa katapusan, kayo ay muling ibabalik sa Kanya na Lubos na Nakakaalam ng mga nalilingid at lantad, at Siya ay magsasabi sa inyo ng inyong mga ginawa.”
سَيَحْلِفُونَ بِاللَّهِ لَكُمْ إِذَا انْقَلَبْتُمْ إِلَيْهِمْ لِتُعْرِضُوا عَنْهُمْ ۖ فَأَعْرِضُوا عَنْهُمْ ۖ إِنَّهُمْ رِجْسٌ ۖ وَمَأْوَاهُمْ جَهَنَّمُ جَزَاءً بِمَا كَانُوا يَكْسِبُونَ
Sila ay manunumpa (sa Ngalan) ni Allah sa inyo (na mga Muslim), kung kayo ay magbalik sa kanila upang kayo ay tumalikod sa kanila. Kaya’t magsitalikod kayo sa kanila. Katotohanang sila ay Rijsun (alalaong baga, hindi dalisay dahilan sa kanilang buktot na gawa), at ang Impiyerno ang kanilang pananahanan, - isang kabayaran sa mga bagay na kanilang kinita
يَحْلِفُونَ لَكُمْ لِتَرْضَوْا عَنْهُمْ ۖ فَإِنْ تَرْضَوْا عَنْهُمْ فَإِنَّ اللَّهَ لَا يَرْضَىٰ عَنِ الْقَوْمِ الْفَاسِقِينَ
Sila (na mga mapagkunwari) ay manunumpa sa inyo (na mga Muslim), upang kayo ay malugod sa kanila, datapuwa’t kung kayo ay nalulugod sa kanila, katiyakang si Allah ay hindi nalulugod sa mga tao na Al-Fasiqun (mga mapaghimagsik at palasuway kay Allah)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
