Surah At-Tawba Ayahs #66 Translated in Filipino
يَحْلِفُونَ بِاللَّهِ لَكُمْ لِيُرْضُوكُمْ وَاللَّهُ وَرَسُولُهُ أَحَقُّ أَنْ يُرْضُوهُ إِنْ كَانُوا مُؤْمِنِينَ
Sila ay nanunumpa (sa Ngalan) ni Allah sa inyo (na mga Muslim), upang kayo ay malugod (sa kanila), datapuwa’t higit na katampatan na kanilang bigyang lugod si Allah at ang Kanyang Tagapagbalita (Muhammad), kung sila ay nananampalataya
أَلَمْ يَعْلَمُوا أَنَّهُ مَنْ يُحَادِدِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ فَأَنَّ لَهُ نَارَ جَهَنَّمَ خَالِدًا فِيهَا ۚ ذَٰلِكَ الْخِزْيُ الْعَظِيمُ
Hindi baga nila natatalos na kung sinuman ang tumutol at magpakita ng pagkapoot kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita, katiyakang sasakanya ang Apoy ng Impiyerno upang (siya) ay manahan dito. Ito ang sukdulang pagkaaba
يَحْذَرُ الْمُنَافِقُونَ أَنْ تُنَزَّلَ عَلَيْهِمْ سُورَةٌ تُنَبِّئُهُمْ بِمَا فِي قُلُوبِهِمْ ۚ قُلِ اسْتَهْزِئُوا إِنَّ اللَّهَ مُخْرِجٌ مَا تَحْذَرُونَ
Ang mga mapagkunwari ay nangangamba na baka ang isang Surah (kabanata ng Qur’an) ay mahayag na patungkol sa kanila, na nagtatambad sa kanila kung ano ang nasa kanilang puso. Ipagbadya: “(Magpatuloy kayo at) manuya! Datapuwa’t katiyakang si Allah ay maglalabas sa liwanag (maglalantad) ng lahat ninyong pinangangambahan.”
وَلَئِنْ سَأَلْتَهُمْ لَيَقُولُنَّ إِنَّمَا كُنَّا نَخُوضُ وَنَلْعَبُ ۚ قُلْ أَبِاللَّهِ وَآيَاتِهِ وَرَسُولِهِ كُنْتُمْ تَسْتَهْزِئُونَ
At kung sila ay tatanungin ninyo (hinggil dito), sila ay nagsasabi: “Kami ay nag-uusap lamang ng walang katuturan at nagbibiro.” Ipagbadya: “Ano baga yaong na kay Allah, at sa Kanyang Ayat (mga katibayan, talata, tanda, kapahayagan, atbp.), at sa Kanyang Tagapagbalita na inyong pinagtatawanan?”
لَا تَعْتَذِرُوا قَدْ كَفَرْتُمْ بَعْدَ إِيمَانِكُمْ ۚ إِنْ نَعْفُ عَنْ طَائِفَةٍ مِنْكُمْ نُعَذِّبْ طَائِفَةً بِأَنَّهُمْ كَانُوا مُجْرِمِينَ
Huwag kayong gumawa ng dahilan; kayo ay nawalan ng pananalig matapos na kayo ay manampalataya. Kung Aming patawarin ang iba sa inyo, Aming parurusahan ang iba sa lipon ninyo, sapagkat sila ay Mujrimun (mga walang pananampalataya, mapagsamba sa diyus-diyosan, makasalanan, kriminal, atbp)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
