Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tawba Ayahs #68 Translated in Filipino

يَحْذَرُ الْمُنَافِقُونَ أَنْ تُنَزَّلَ عَلَيْهِمْ سُورَةٌ تُنَبِّئُهُمْ بِمَا فِي قُلُوبِهِمْ ۚ قُلِ اسْتَهْزِئُوا إِنَّ اللَّهَ مُخْرِجٌ مَا تَحْذَرُونَ
Ang mga mapagkunwari ay nangangamba na baka ang isang Surah (kabanata ng Qur’an) ay mahayag na patungkol sa kanila, na nagtatambad sa kanila kung ano ang nasa kanilang puso. Ipagbadya: “(Magpatuloy kayo at) manuya! Datapuwa’t katiyakang si Allah ay maglalabas sa liwanag (maglalantad) ng lahat ninyong pinangangambahan.”
وَلَئِنْ سَأَلْتَهُمْ لَيَقُولُنَّ إِنَّمَا كُنَّا نَخُوضُ وَنَلْعَبُ ۚ قُلْ أَبِاللَّهِ وَآيَاتِهِ وَرَسُولِهِ كُنْتُمْ تَسْتَهْزِئُونَ
At kung sila ay tatanungin ninyo (hinggil dito), sila ay nagsasabi: “Kami ay nag-uusap lamang ng walang katuturan at nagbibiro.” Ipagbadya: “Ano baga yaong na kay Allah, at sa Kanyang Ayat (mga katibayan, talata, tanda, kapahayagan, atbp.), at sa Kanyang Tagapagbalita na inyong pinagtatawanan?”
لَا تَعْتَذِرُوا قَدْ كَفَرْتُمْ بَعْدَ إِيمَانِكُمْ ۚ إِنْ نَعْفُ عَنْ طَائِفَةٍ مِنْكُمْ نُعَذِّبْ طَائِفَةً بِأَنَّهُمْ كَانُوا مُجْرِمِينَ
Huwag kayong gumawa ng dahilan; kayo ay nawalan ng pananalig matapos na kayo ay manampalataya. Kung Aming patawarin ang iba sa inyo, Aming parurusahan ang iba sa lipon ninyo, sapagkat sila ay Mujrimun (mga walang pananampalataya, mapagsamba sa diyus-diyosan, makasalanan, kriminal, atbp)
الْمُنَافِقُونَ وَالْمُنَافِقَاتُ بَعْضُهُمْ مِنْ بَعْضٍ ۚ يَأْمُرُونَ بِالْمُنْكَرِ وَيَنْهَوْنَ عَنِ الْمَعْرُوفِ وَيَقْبِضُونَ أَيْدِيَهُمْ ۚ نَسُوا اللَّهَ فَنَسِيَهُمْ ۗ إِنَّ الْمُنَافِقِينَ هُمُ الْفَاسِقُونَ
Ang mga mapagkunwari, mga lalaki at mga babae, ay mula sa isa’t isa, sila ay nanghihikayat (sa mga tao) ng Al Munkar (kawalan ng pananalig at pagsamba sa lahat ng diyus-diyosan at paglabag sa lahat ng mga ipinagbabawal sa Islam) at humahadlang (sa mga tao) tungo sa Al-Maruf (paniniwala sa Kaisahan ni Allah at lahat ng mga ipinag- uutos sa Islam), at itinitikom nila ang kanilang mga kamay (para sa pagbibigay at paggugol sa Kapakanan ni Allah). Kanilang nakalimutan si Allah, kaya’t sila rin ay kinalimutan Niya. Katotohanan, ang mga mapagkunwari ay Fasiqun (mga mapaghimagsik at palasuway kay Allah)
وَعَدَ اللَّهُ الْمُنَافِقِينَ وَالْمُنَافِقَاتِ وَالْكُفَّارَ نَارَ جَهَنَّمَ خَالِدِينَ فِيهَا ۚ هِيَ حَسْبُهُمْ ۚ وَلَعَنَهُمُ اللَّهُ ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ مُقِيمٌ
Si Allah ay nangako sa mga mapagkunwari; mga lalaki at mga babae, at sa mga hindi sumasampalataya, ng Apoy ng Impiyerno, at dito sila ay mananatili. Ito ay sapat na sa kanila. Sila ay isinumpa ni Allah at sa kanila ang walang hanggang kaparusahan

Choose other languages: