Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tawba Ayahs #71 Translated in Filipino

الْمُنَافِقُونَ وَالْمُنَافِقَاتُ بَعْضُهُمْ مِنْ بَعْضٍ ۚ يَأْمُرُونَ بِالْمُنْكَرِ وَيَنْهَوْنَ عَنِ الْمَعْرُوفِ وَيَقْبِضُونَ أَيْدِيَهُمْ ۚ نَسُوا اللَّهَ فَنَسِيَهُمْ ۗ إِنَّ الْمُنَافِقِينَ هُمُ الْفَاسِقُونَ
Ang mga mapagkunwari, mga lalaki at mga babae, ay mula sa isa’t isa, sila ay nanghihikayat (sa mga tao) ng Al Munkar (kawalan ng pananalig at pagsamba sa lahat ng diyus-diyosan at paglabag sa lahat ng mga ipinagbabawal sa Islam) at humahadlang (sa mga tao) tungo sa Al-Maruf (paniniwala sa Kaisahan ni Allah at lahat ng mga ipinag- uutos sa Islam), at itinitikom nila ang kanilang mga kamay (para sa pagbibigay at paggugol sa Kapakanan ni Allah). Kanilang nakalimutan si Allah, kaya’t sila rin ay kinalimutan Niya. Katotohanan, ang mga mapagkunwari ay Fasiqun (mga mapaghimagsik at palasuway kay Allah)
وَعَدَ اللَّهُ الْمُنَافِقِينَ وَالْمُنَافِقَاتِ وَالْكُفَّارَ نَارَ جَهَنَّمَ خَالِدِينَ فِيهَا ۚ هِيَ حَسْبُهُمْ ۚ وَلَعَنَهُمُ اللَّهُ ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ مُقِيمٌ
Si Allah ay nangako sa mga mapagkunwari; mga lalaki at mga babae, at sa mga hindi sumasampalataya, ng Apoy ng Impiyerno, at dito sila ay mananatili. Ito ay sapat na sa kanila. Sila ay isinumpa ni Allah at sa kanila ang walang hanggang kaparusahan
كَالَّذِينَ مِنْ قَبْلِكُمْ كَانُوا أَشَدَّ مِنْكُمْ قُوَّةً وَأَكْثَرَ أَمْوَالًا وَأَوْلَادًا فَاسْتَمْتَعُوا بِخَلَاقِهِمْ فَاسْتَمْتَعْتُمْ بِخَلَاقِكُمْ كَمَا اسْتَمْتَعَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِكُمْ بِخَلَاقِهِمْ وَخُضْتُمْ كَالَّذِي خَاضُوا ۚ أُولَٰئِكَ حَبِطَتْ أَعْمَالُهُمْ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ ۖ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْخَاسِرُونَ
Katulad ng mga nangauna sa inyo, sila ay higit na malakas sa kapangyarihan, at higit na sagana sa kayamanan at mga anak. Sila ay pansamantalang nagsaya sa kanilang bahagi, kaya’t pansamantala kayong magpakasaya sa inyong bahagi, na katulad din naman ng mga nangauna sa inyo na pansamantalang nagpakasaya sa kanilang bahagi, at kayo ay nalulong sa paglalaro at pagpapalipas ng oras (sa pagsasabi ng kasinungalingan laban kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita na si Muhammad), na katulad din naman kung gaano sila nalulong sa paglalaro at pagpapalipas-oras. Sila yaong ang mga gawa ay walang katuturan sa mundong ito at sa Kabilang Buhay. Sila ang mga talunan
أَلَمْ يَأْتِهِمْ نَبَأُ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ قَوْمِ نُوحٍ وَعَادٍ وَثَمُودَ وَقَوْمِ إِبْرَاهِيمَ وَأَصْحَابِ مَدْيَنَ وَالْمُؤْتَفِكَاتِ ۚ أَتَتْهُمْ رُسُلُهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ ۖ فَمَا كَانَ اللَّهُ لِيَظْلِمَهُمْ وَلَٰكِنْ كَانُوا أَنْفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ
Hindi baga nakarating sa kanila ang kasaysayan niyaong mga nangauna sa kanila? – Ang mga pamayanan ni Noe, A’ad at Thamud, ang pamayanan ni Abraham, ang mga nagsisipanirahan sa Madyan (Midian) at sa mga Lungsod na winasak (alalong baga, ang pamayanan kung saan nangaral si Propeta Lut), sa kanila ay dumatal ang kanilang mga Tagapagbalita na may Maliwanag na Katibayan. Kaya’t hindi si Allah ang nagpalungi sa kanila, datapuwa’t sila ang nagpalungi sa kanilang sarili
وَالْمُؤْمِنُونَ وَالْمُؤْمِنَاتُ بَعْضُهُمْ أَوْلِيَاءُ بَعْضٍ ۚ يَأْمُرُونَ بِالْمَعْرُوفِ وَيَنْهَوْنَ عَنِ الْمُنْكَرِ وَيُقِيمُونَ الصَّلَاةَ وَيُؤْتُونَ الزَّكَاةَ وَيُطِيعُونَ اللَّهَ وَرَسُولَهُ ۚ أُولَٰئِكَ سَيَرْحَمُهُمُ اللَّهُ ۗ إِنَّ اللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ
Ang mga sumasampalataya, mga lalaki at mga babae, ay mga Auliya (kawaksi, kapanalig, kaibigan, tagapangalaga, atbp.) sa isa’t isa, sila ay nagtatagubilin (sa mga tao) ng Al Ma’ruf (paniniwala sa Kaisahan niAllah at pagsunod sa lahat ng mga ipinag-uutos sa Islam) at nagbabawal sa Al Munkar (paniniwala sa mga diyus-diyosan at lahat ng uri ng maling pagsamba at mga bagay na ipinagbabawal sa Islam); sila ay nag-aalay ng kanilang dasal nang mahinusay (Iqama-as- Salat); at nagbibigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa) at tumatalima kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita. Si Allah ay magkakaloob ng Kanyang Habag sa kanila. Katotohanang si Allah ang Pinakamakapangyarihan, ang Puspos ng Karunungan

Choose other languages: