Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tawba Ayahs #65 Translated in Filipino

وَمِنْهُمُ الَّذِينَ يُؤْذُونَ النَّبِيَّ وَيَقُولُونَ هُوَ أُذُنٌ ۚ قُلْ أُذُنُ خَيْرٍ لَكُمْ يُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَيُؤْمِنُ لِلْمُؤْمِنِينَ وَرَحْمَةٌ لِلَّذِينَ آمَنُوا مِنْكُمْ ۚ وَالَّذِينَ يُؤْذُونَ رَسُولَ اللَّهِ لَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ
At sa lipon nila ay may mga tao na nananakit sa Propeta (Muhammad) at nagsasabi: “Siya ay nakikinig (sa lahat ng mga balita).” Ipagbadya: “Siya ay nakikinig kung ano ang mabuti sa inyo; siya ay sumasampalataya kay Allah; mayroon siyang pananalig sa mga sumasampalataya; at isang Habag tungo sa inyo na sumasampalataya.” Ngunit sila na nananakit sa Tagapagbalita (Muhammad) ay magkakaroon ng kasakit-sakit na kaparusahan
يَحْلِفُونَ بِاللَّهِ لَكُمْ لِيُرْضُوكُمْ وَاللَّهُ وَرَسُولُهُ أَحَقُّ أَنْ يُرْضُوهُ إِنْ كَانُوا مُؤْمِنِينَ
Sila ay nanunumpa (sa Ngalan) ni Allah sa inyo (na mga Muslim), upang kayo ay malugod (sa kanila), datapuwa’t higit na katampatan na kanilang bigyang lugod si Allah at ang Kanyang Tagapagbalita (Muhammad), kung sila ay nananampalataya
أَلَمْ يَعْلَمُوا أَنَّهُ مَنْ يُحَادِدِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ فَأَنَّ لَهُ نَارَ جَهَنَّمَ خَالِدًا فِيهَا ۚ ذَٰلِكَ الْخِزْيُ الْعَظِيمُ
Hindi baga nila natatalos na kung sinuman ang tumutol at magpakita ng pagkapoot kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita, katiyakang sasakanya ang Apoy ng Impiyerno upang (siya) ay manahan dito. Ito ang sukdulang pagkaaba
يَحْذَرُ الْمُنَافِقُونَ أَنْ تُنَزَّلَ عَلَيْهِمْ سُورَةٌ تُنَبِّئُهُمْ بِمَا فِي قُلُوبِهِمْ ۚ قُلِ اسْتَهْزِئُوا إِنَّ اللَّهَ مُخْرِجٌ مَا تَحْذَرُونَ
Ang mga mapagkunwari ay nangangamba na baka ang isang Surah (kabanata ng Qur’an) ay mahayag na patungkol sa kanila, na nagtatambad sa kanila kung ano ang nasa kanilang puso. Ipagbadya: “(Magpatuloy kayo at) manuya! Datapuwa’t katiyakang si Allah ay maglalabas sa liwanag (maglalantad) ng lahat ninyong pinangangambahan.”
وَلَئِنْ سَأَلْتَهُمْ لَيَقُولُنَّ إِنَّمَا كُنَّا نَخُوضُ وَنَلْعَبُ ۚ قُلْ أَبِاللَّهِ وَآيَاتِهِ وَرَسُولِهِ كُنْتُمْ تَسْتَهْزِئُونَ
At kung sila ay tatanungin ninyo (hinggil dito), sila ay nagsasabi: “Kami ay nag-uusap lamang ng walang katuturan at nagbibiro.” Ipagbadya: “Ano baga yaong na kay Allah, at sa Kanyang Ayat (mga katibayan, talata, tanda, kapahayagan, atbp.), at sa Kanyang Tagapagbalita na inyong pinagtatawanan?”

Choose other languages: